Message Sent [15] -- The day

4K 94 11
                                    


<Mariel's POV>

Papunta na kami ni Luigi sa.. ay teka? di ko pa pala natatanong.




"Ui Luigi, san ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.




"Basta malalaman mo din. Konting hintay lang" sabi nya sa akin. Since ayokong mangulit, nanahimik na lang ako.

Lumipas ang ilang oras at nakarating na rin kami sa




"Enchanted Kingdom?" tanong ko na may na i sparkle na mata.

"Yeah, ayaw mo?"

"Syempre gusto ko noh. Sino may sabing ayaw ko? XD" pagkasabi ko nun, natawa naman sya.. Enchanted kingdom!!!!!I'm pretty sure mageenjoy ako.. sa dami ba naman ng rides. XD

Bumibili si Luigi ng ticket ako nandito lang hinihintay sya..

Di rin nagtagal eh dumating na sya. Pumasok na kami sa loob. Grabe! Ang tagal ko na ding hindi nakakapunta dito ah?

Naglalakad lakad kami dito hanggang sa napagdesisyunan naming sumakay na sa rides..

Inuna namin 'yong Roller skaters, Anchors away, Flying Fiesta, Up, up and Away, Rio Grande Rapids. Lahat na ata ng rides nasakyan namin. Except sa Space shuttle. Grabe! Ayokong sumakay dun...

Basta! Nageenjoy talaga ako. HAHAHA. Grabe! Hangsaya!

"Tara sa space shuttle naman tayo." my gosh! Eto na nga ba ang ayaw kong time eh. Promise! Ayoko talagang sumakay dun. Huhuhu.

"Natatakot ako Luigi eh."sabi ko sa kanya. Oo, totoo. TT___TT

"Hindi. Promise! Hahawakan ko ang kamay mo. Kaya hwag ka ng mag-alala ha?" sabi nya sa akin. May tiwala naman ako sa kanya eh kaya pumayag na din ako.

Eto na.. Nakaupo na kami.. Malapit ng umandar. Hindi pa nga umaandar pero parang gusto ko ng umatras. Grabe 'yong kabog ng dibdib ko.. Parang gusto ng kumawala sa katawan ko. TT_TT

Kung ano ano na ang naiisip ko bago umandar.. na posible akong malaglag. na posibleng huling araw ko na ngayon. na pos--

Nagsnap ako into reality ng biglang hawakan ni Luigi ang kamay ko. Lahat ata ng kaba ko nawala na at puro kilig na lang ang nararamdaman ko. :">

"Diba sabi ko sayo hahawakan ko ang kamay mo?" pagkatapos nyang sabihin 'yon.. bigla namang umandar na. At first medyo mabagal lang but as time goes by.. pabilis ng pabilis. Sigaw lang ako ng sigaw.. Feeling ko nga nalaglag ang puso ko dahil sa sobrang bilis parang nagstop sandali ang mundo ko.

Pagkatapos namin sumakay sa deadly ride na 'yon kumain na kami. After namin kumain.. sumakay na kami sa wheel of fate. Ang ganda ng view...

<END of Mariel's POV>

<Luigi's POV>

Nakasakay kami ngayon sa wheel of fate. Ang ganda nga ng view eh. Diba sabi nila pag sumakay ka sa wheel of fate kasama ng taong mahal mo.. magiging kayo na habang buhay? Takte ka Luigi, ang corny mo. -__________- Basta ngayon, di ko maipagkakailang gusto ko na sya. Alam ko posible ako masaktan.. Pero anong magagawa ko? Gusto ko na eh!

"Ang ganda talaga ng view...." sabi ni Mariel habang nag i sparkle ang mga mata nya.

"Mas maganda ka naman.." sabi ko ng mahina na tama lang para hindi nya marinig XD

"Anong sinabi mo?" tanong nya sa akin.

"Ha? Wala naman akong sinasabi ah.." pagtatangi ko. Alanganamang sabihin ko? Eh di nagkailangan naman kami.

"Sabi mo eh." tapos non bumaba na din kami.

Nagmeryenda na kami tapos umuwi na. Tutal gabi na naman na.

Habang nasa byahe kami, tahimik lang pero hindi naman awkward.

"Uhm Luigi, salamat ha? Nagenjoy talaga ako." parang tumalbog ng malakas ang puso ko ng bigla syang nagsalita. Nagulat ako malamang.. tsaka dahil sa saya.. makasama mo ba naman ang taong mahal mo at nalaman mong nagenjoy sya, di ka ba sasaya? Mahal talaga Luigi ha?

"Wala 'yon.." pagkasabi ko non, nabalot nanaman kami ng katahimikan.

Di pa nagtatagal eh nakarating na din kami sa bahay nila.

"Bbye na ha? Salamat talaga." tapos kiniss nya ako sa cheeks. Oo, kiniss nya ko sa cheeks. Putek! Pakiramdam ko nagblush ako. Bwiset! Ang bakla!!!!

"Hui! Napano ka? Bat ang pula mo?" tanong ni Mariel na may halong pag-aalala ang boses. Takte!!! Nakakahiya ka talaga Luigi! Pakamatay ka na.

"Ah wala wala.. Mainit lang kasi. Sige na.. Bbye na" pagkasabi ko non pumasok na sya sa loob ng bahay nila at umalis na din ako..

Pagkadating ko sa bahay nagshower muna ako at nahiga na sa kama.

Sobrang saya ko talaga ngayong araw.. Ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko.. Oo, mahal ko na si Mariel..

Bago ako matulog.. tinext ko si Mariel

TO: Mariel

Salamat! Nagenjoy ako.


--end--


Pagkasend ko nun, tsaka ko lang naalala na..

SHOOOOOT!

___________________________






A/N:


Sorry Lame update.

Wala talaga akong maisip na matino..

SORRY.SORRY.SORRY */\*

VOTE/COMMENT <3

Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon