Message Sent [10] -- It's fun to cook

4.6K 105 16
                                    

<Mariel's POV>

*KRIIIIING*

Bumangon na ako from my bed.

Gawd. Sobrang napagod ako.. Pero naging masaya naman ako kahapon :)) Grabe! Di ko talaga makalimutan iyon. Twing naaalala ko iyon.. Napapangiti ako.. Ayt! Ewan ko ba sa sarili ko..

Tumayo na ako sa kama ko then nakita ko iyong binigay nya sa aking stuff toy.

Oo nga pala binigyan ko ng pangalan iyong stuff toy na binigay nya sa akin. YelGi. Alam ko pangit. HAHA. Eh sa wala akong maisip na magandang combination ng pangalan namin eh.

Pumasok na ako sa CR at naligo. Ginawa ko na din iyong mga ritwal ko sa umaga.

Nagbreakfast na din ako. Then umalis na ako..

*SCHOOL*

"YEEEEEEEEEEEEEEEEEL!"

Gurabi! Makasigaw naman itong si Hannah parang wala ng bukas -______________- Nagtinginan naman iyong mga schoolmates namin. *facepalm*

"Makasigaw ka naman. Bakit ba?" tanong ko sa kanya.

"Eh, balita ko nagdate daw kayo ni Luigi kahapon ah?" sabi nya sa akin na sa tonong nangaasar. Lakas din ng topak nito eh.

"Di kami ng date noh. Bumili lang kami ng ingredients para sa lulutuin ngayon noh." pagdedepensa ko naman sa sarili ko.

"Sus! Spill!" kakulit talaga nito.

"Haish! Oh sige, pero pwede pumasok muna tayo sa room? Kakadating ko lang eh" sabi ko ng pabiro XD Tsaka totoo naman eh, kadadating ko lang.. Gusto na agad makichismis -_______-

"HAHA. Tara."

so naglakad na kami papuntang room.

dumiretso na kami sa upuan namin, since magkalayo kami.. umupo na lang sya dun sa vacant since wala pa naman iyong seatmate ko..

bat kaya wala pa iyon? Haish! Bat ko ba sya hinahanap? Nahahawa na din tuloy ako dun kakahaish nya.

"OY! Gora, kwento na.."

Talaga tong babae na toh o-oh. So ayon kinuwento ko na.

Aba ang luka kinikilig naman. Kesyo ang sweet daw namin. Kinwento ko din sa kanya iyong tungol doon sa stuff toy na binili nya para sa akin. Nakwento ko nga din pala sa kanya iyong yakap thingy. Ang loka naman ngiting ngiti.

Nagbell na. Nagsipasukan na iyong mga classmates namin. Pati na din si Luigi dala dala iyong mga ingredients namin.

Gurabi! Naeexcite tuloy ako magluto. First time eh.

Discuss lang ng discuss iyong teacher namin.

Hindi ako nakikinig kasi nasa isip ko pa din iyong pagluluto namin mamaya. Eto namang katabi ko nakaub-ob lang..

<END of Mariel's POV>

<Luigi's POV>

Grabe! Akala ko malelate ako. Di ako masyadong nakatulog kasi di mawala sa isip ko iyong pagyakap sa akin ni Mariel sa mall. Pati na din iyong ngiti nya. Haish! It's so gay!

Nagdidiscuss iyong teacher namin pero ako nakaub-ob lang. Inaantok talaga ako eh. Tsaka si Mariel din naman di nakikinig eh.

Di nagtagal TLE nanamin! Ayos! Pumunta na kami sa TLE room para doon magluto.

Ako na ang nagdala ng mga ingredients. Nagsusuggest nga sya na gusto daw nyang magbitbit kaso hindi ako pumayag.

Nagpout pa nga. Haish! Sinabing hwag na syang magpapout eh. >_< Gusto ko tuloy syang yakapin. Ang cute nya ehh. Haish! Mukha ka namang manyak noon Luigi.

<END of Luigi's POV>

<Mariel's POV>

Andito na kami sa TLE room.

Pineprepare na namin iyong mga kakailanganing gamit.

Chopping Board, Knife, Spatula and many moree.

Ako na ang nagsuggest na maghiwa. Grabe! Actually, di ako sanay eh. Kaya kinakabahan ako. Baka mahiwa ko iyong kamay ko.. >_<

Grabe! Sobrang nageenjoy ako.. :)) It's fun to cook! ^_________^

Sibuyas na iyong hinihiwa ko.. Grabe! Mugto na ang mata ko at blur na iyong paningin ko.. kaya nahiwa ko iyong daliri ko.. Huhuhu.

Ang sakiiiiiiiiit!

"Uy! Nagdudugo iyong kamay mo.. Anana nga.." kinuha naman nya iyong kamay ko tapos sinipsip nya iyong dugo.. Grabe! Di ko napigilang mapangiti. Kinikilig ako shemay!!

"Dalhin kita sa clinic ha?" sabe nya. Nagnod na lang ako since parang wala pa ko sa aking sarili.

"Ma'am! Punta lang po kami sa clinic. Nahiwa po si Mariel eh."

Naglakad na kami papuntang clinic. Grabe! Pangi-lang beses ko ng sinabi ang salitang grabe? XD

_____________________________

A/N:

Sensya na kung Lame.

May WB pa din ako eh.

Pagtyagaan nyo na lang.

HAHAHAHAHAHAHA :))

VOTE/COMMENT.

NEXT UD. Ian's POV naman :))

Message Sent ✓ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon