Chapter 90

170K 2.2K 281
                                    

I dedicated this chapter to Superjamar! Thank you! thank you! *speechless na si otor*


 - - sa lahat ng readers na nagaala-KATH at supermuch affected....ang mga susunod na chapters ay muling magpapakilig (magpapakilig nga ba??) sa inyo.

pasensya na rin sa mga readers na hindi ko nadedicatan, sa sobrang dami niyo po kasi ay hindi kakasya ang chapters ko. kung pwede nga lang multiple dedication eh.




CHAPTER 90


KATH’S POV


Subsob ako sa trabaho ko ngayon. Sobrang daming paper works na dapat na basahin at pirmahan. Grabe…sumasakit na ang ulo ko. Mula kasi makatapos ako ng pag-aaral ay ipinasa na sa akin ni Daddy at Kuya Ken ang lahat ng responsibilities sa Company. Si Daddy ang nananatiling CEO at ako naman ang president ng kompanya.


Ilang taon na ring resigned si Kuya Ken. May sarili na siyang pamilya at nagnenegosyo na lang. actually, co-owner siya ng Brews. Mas gusto kasi ni Kuya Ken ang simpleng negosyo hindi katulad ng negosyo ni Daddy na sobrang laki lalo pa’t ang dami dami ng bagong branch ang nagbubukas.


Magtatatlong taon pa lang akong kasosyo ni Kuya Ken sa Brews. Syempre ayaw niya pa pumayag dati dahil nga sa allergy ko dito. Pero ginawa ko talaga ang lahat para maovercome ang allergy ko. Marami na kasing perwisyo ang nagawa sa akin ng kape eh, tsaka alangan naman pagnagmimeeting eh, gatas ang ipainom ko sa mga clients ko diba?


Kung pano ko naovercome? Hindi ko rin alam. Basta I tried na uminom lang ng kape, syempre nung una halos ikamatay ko dahil hindi ko kaya ang sakit ng tiyan ko pero nung naimmune na..ayun…nakakapagkape na ako.


I dialed my secretary’s number to ask for a cup of coffee. Kung dati halos iniiwasan ko ngayon naman siya na ang ka-buddy ko sa lahat ng oras lalo na pag naiistress ako.


Kath: Shiela, coffee please.


Shiela: Okay po Miss Kath…


 Kumuha ulit ako ng isa pang folder para mag-start na uling magtrabaho. Kung hindi ko uumpisahan ito ay hindi ko talaga ito matatapos.


After 5 minutes ay may kumatok na sa pintuan ko. Maybe it’s Shiela.


Kath: Come in…hindi man lang ako tumitingin sa may pinto.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Where stories live. Discover now