Chapter 84

149K 2.5K 251
                                    

I dedicated this chpater to BheabyNikkaTingcoyCa. 

Thank you thank you/!!!


CHAPTER 84


IT’S THE PROM DAY!!!


SABRINA’S POV


Maaga akong gumising para pumunta kina Kath. Gusto kong magpasalamat sa kanya. Dumaan din muna ako sa bilihan ng kwek-kwek dahil ayon sa sources ko eh mahilig daw si Kath kumain ng ganoong pagkain. Miski ako nga ay hindi pa nakakatikim ng ganoon.



Ilang saglit lang ay narating ko na rin ang mala-palasyo nilang bahay. Parang nahihiya naman tuloy ako sa dala ko. Ilang doorbell lang ay pinagbuksan na ako. Pinaintay ko na muna ang driver ko sa labas.


Pinaghintay na muna ako ng isang babaeng dati dating kasakasama ni Kath sa school. Dati kasi, si Kath pag pumapasok eh kasama pa yung personal maid niya.


Lorna: Sige…tatawagin ko lang siya.


Paakyat na ang babae sa kwarto ng bumaba galing sa taas ang driver  niya dala dala ang mga maleta. Halos yellow lahat ng bag kaya alam kong kay Kath iyon.


Sab: Kuya…para saan yan??

Jonjon:  Ah para kay Miss Kath…


Sab: Huh?? Ba’t ang dami??...


Magsasalita na ulit sana ang driver ng biglang lumabas si Kath.


Kath: Sab?!?


May kung anong gulat sa expression niya.


Sab: Kath….I smiled. Dali dali siyang bumaba.


Kath: Ang aga mo naman ata. Have a seat.


Sab: Oo nga eh…ahm…para sa iyo pala..


Kath: Kwekkwek?? Naku…sana di ka nag abala pa..


Sab: Hindi naman to abala eh….pa-thank you ko na to…siguro alam mo naman yung ginawa mo diba??


Kath: Ah yon?? Naku..wala yon…


Sab: Pero thank you pa rin….alam mo sobrang saya ko kasi si Mommy, mahal na ako. Thank you talaga. Niyakap ko siya.


Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon