Chapter 62

174K 2.7K 203
                                    


Chapter 62


KATH’S POV


Halos mahimatay ako ng sabihin ni Dj na ang pupuntahan namin ay ang punong nagiisa sa isang malawak na taniman ng palay. Akalain mong puno pala ng mangga yon? Eh mula sa kinatatayuan ko eh parang isa lang siyang halaman ...yung house plant na nasa paso lang? Maliit siya...ibig sabihin...malayo ang distance! What the?!???


Niel : Tara na girls....dala ng mga lalake ang lahat ng gamit. Kaming mga babae eh sarili lang namin ang mga dala namin.


Kiray: Madadaanan ba yan?? Utang na loob naman! Reklamo ni Kiray ng makita niyang halos kasing lapad lang ng isang dangkal ang lalakaran namin. Tapos dumagdag pa sa pressure yung putikan mong babagsakan pag hindi ka nag balance.


Nasa unahan namin ang mga lalake. Wala talaga silang balak na alalayan kami. Ang gegentleman sobra!! Inumpisahan na nilang lakarin ang napakakipot na daan. Bakit ganon? Parang wala lang sa kanila??


Wala na kaming choice para hindi sumunod dahil nakay Dj ang susi ng van. Wala namang dumadaan na ibang sasakyan bukod sa mga truck na halos pulbusan kami ng alikabok.  Labag man sa loob namin ay sumunod na rin kami.           


Balance. Yon ang kailangan mo para matapos ang challenge na ito. Oo challenge...parang nasa survivor Philippines lang ang peg naming apat. Magkakahawak kami ng kamay.


Kiray: Grabe...yuck pag nahulog ka jan oh....mamaya marami diyang frogs...


Yen, Kath & Julia: No!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Takot ang nararamdaman namin. Halatang takot si Yen dahil sa tuwing makikita niya ang posibleng bagsakan niya ay nanginginig siya.


Niel: Ang bagal niyo naman!!! Sabay nagtawanan sila.  Medyo malayo layo na sila sa amin.


Yen: Kung kaya ko lang takbohin to Niel coleta papunta sayo..uupakan kita!!! Daddy help me !!!


Julia: Nakakainis!! Ang init init....Diego Loyzaga...ikaw ang magbayad sa derma ko huh!!! Huhuhu...yari ako kay Mommy nito.


Kath: mga walang konsiderasyon!!!  Huhuh....


Sobrang pawisan na kaming apat. Sa wakas ay lumaki na rin ang puno na parang halaman lang kanina kung tatanawin mo. ibig sabihin....malapit na kami. Nakita ko na rin ang kubong sinasabi ni Dj.


Kath: Girls konti na lang ...kong tiis na lang...


Kiray: Tingnan mo ang mga mokong...nakapahinga na talaga eh no...hay nako!!!


Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon