Chapter 2

287K 3.3K 387
                                    

Chapter 2

 

Kath’s POV

NO CHOICE na talaga ako. Kailangan kong pumayag sa gusto niya para masagip ang buhay ng puppy ni Kuya ken at ganoon din ako. Nasa veterinarian clinic kami ng pinsan ni DJ, Si Ate Roanna.

Roanna: Buti na lang at nadala na ninyo agad dito ang aso, baka kung patuloy na nakabara ang matigas na nakain niya, baka namatay pa ito.

 

Kath: Salamat po.

Nabilaukan ang aso. Di ko napansin na may nakain na ito.

 

Pabalik na ako sa bahay ng maalala ko ang kasunduhan namin ni DJ. I need to be his girlfriend for one day. Kahit masakit sa loob ko. One day lamang. Utang ko din naman sa kanya ang buhay ng aso eh. At saka maganda na sigurong mabayaran ko rin siya para wala siyang maisumbat. I need to set rules…baka mag take advantage ang mokong na yun. Pupunta kami sa party ng lolo niya at magpapanggap akong girlfriend niya just forn one day, hindi na masama yun.

---

Daniel’s POV

Pumayag na si Kath na maging girlfriend ko for one day. Sa wakas at sure na akong hindi magiging sundalo. Pero teka?? Baka naman hindi tumupad iyon sa usapan? Baka pumayag na lang ito kanina para matahimik na. Pano kung lokohin ako ng babaeng to??? Naku……

 

Hinanap ko ulit ang profile ng prinsesa. Buti na lang at nakaindicate ang number niya. Tinext ko.

“KAMAHALAN….wag mong subukan na hindi tumupad sa usapan… - Poging pogi na DJ” text ko.

After 2 minutes nagreply na. pati sa text paimportante.

“POGI??? San banda??? Don’t worry, maarte lang ako pero hindi ako manloloko” reply niya.

“Mabuti naman kasi kung hindi…sasabihin ko sa buong skul na pinasok mo ko sa CR.. :D” text ko.

“Don’t you dare! You’re black mailing me???...U don’t know me :/” reply niya.

“Mas maganda na ang malinaw…see you BABE!!” ang sarap inisin ng prinsesang to.

“BABE??? YUCK!! Anyways tomorrow pipirma ka ng contract…nag set na ako ng rules…” reply niya.

“ Akala mo ikaw lang ang may rules??? Ako din!!! Baka magtake advantage ka pa!!” reply ko.

“ WHATEVER!!!!!” text ng kamahalan.

Natawa ako. Parang alam na alam ko ang facial expression niya sa tuwing magrereply siya. SO KATHRYN CHANDRIA….

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon