Chapter 74

155K 1.6K 214
                                    

I dedicated this chapter to LesterGaloTucay!! thank you for reading!


CHAPTER  74


DANIEL’S POV


Hindi na ganoon ka bigat ang nararamdaman ko, pero syempre naroon pa rin yung lungkot dahil hindi niya pa ako pinapatawad. Lumingon ako sa likod ko. Wala pa ang kamahalan. Hindi siya papasok? Dahil kaya to sa pagiwas niya sa akin? tumingin ako kay Anthony. Busy siya sa pagbabasa. Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan. Sana naman magkabati na kami.

Maguumpisa na ang klase ng pumasok si Sab. Nagulat ako ng bigla niya akong tingnan at tumawa. Ano na naman kaya iyon? Yumuko ako para ituon ulit ang atensyon ko sa libro ko ng kalabitin niya ako.


Sab: You’re so lucky Daniel.....sabay ngiti.  Naiwan akong naguguluhan. Lucky? Bakit???hay nako....


Dj: What?!



Sab: I just want to congratulate you Mr. Valedictorian...inemphasize niya ang valedictorian sabay tumawa ulit ng marahan. Sarcastic ang pagkakasabi niya, wala man lang miski konting sincerity sa pagkasabi niya. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit pero nagsimula na ang lecture ng teacher namin. 

Natapos na ang isang klase bago dumating si Kath. Namumugto ang mga mata niya. Nasa may pintuan pa siya kausap si Mr. Andres na first subject teacher namin today. Nagpapaliwanag siguro kung bakit siya late.  Bakas ang lungkot at pagkabalisa sa mukha niya. Napapatingin rin ang mga iba pa naming mga kaklase namin sa kanya dahil, never pa ata nilang nakitang umiyak si Kath.

Nagkatinginan kami ni Anthony, halata rin sa kanya ang pagaalala kay Kath. Humakbang na si Kath papunta sa upuan niya, tatayo sana ako para salubungin siya ng bigla niya akong inirapan. Ouch yun huh. Alam mo yung sobrang napapahiya ka na sa sarili mo? pero wala kang magawa dahil nga mahal mo. Umayos na lang ako ng upo.

Kanina pa nagkaklase pero ang utak ko eh nasa babaeng nasa may likuran ko. Gusto ko siyang lingunin pero natatakot ako. Lumipas ang ang oras at tumunog na ang bell na hudyat na ng break time. Wala yata akong naintindihan sa itinuro kanina.

Naglalabasan na ang mga estudyante pero si Kath, nanatiling nakaupo lang. Nakatulala. I made up my mind ...lalapitan ko na siya.

Patayo na ako ng biglang sumingit si Sab.


Sab: Excuse me. Sabay punta sa upuan ni Kath.

Nagkatinginan kami ni Anthony. Pareho kaming nagulat. Lalo na ako. I know Kathryn, si Sab ang pinakahuling taong magiging kaibigan non. At ang pagkikipag kaibgan kay Sab is the last thing she would ever do. Nanatili kaming nakaupo ni Anthony.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon