Previous Page of 13Next Page

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)

spinner.gif

Chapter 1

Ako si Daniel, 17 years old at estudyante sa Green Park Montessori. 4th year na ako at bagong transfer lang sa kuta ng mga spoiled brat na mga estudyante. Kung hindi lang sa kasunduan namin ni Mama, hindi talaga ako papasok sa school na to. Oo inaamin ko kilala ang GPM sa buong bansa pero masaya naman ako sa dati kong eskwela.

Consistent honor student ako. Seryoso at mahilig talaga akong mag-aral kaya nga parang hindi ako babagay sa school ng mga spoiled na walang ibang ginawa para magpayabangan lang ata.

Nasa harap na ako ng bago kong school. Maganda at elegante ang school na ito. Sa tuwing lalabas nga ang mga estudyante dito eh pinapasarado pa ang daan kaya madalas magtraffic. Mga anak ng politiko, negusyante at mula sa prominenteng pamilya ang kadalasang nag-aaral sa GPM.

Nadaanan ko ang mga babaeng studyante na nagkukuwentuhan sa hall way. Seryoso ang usapan nila ng napadaan ako, narinig kong na ang bagong brand lang pala ng lipstick ang pinaguusapan ng mga ito. Hay nako ang mga babae talaga.

Lahat ng rooms ay fully air-conditioned.  Ang mga upuan ay maayos at ang buong vicinity ay malinis. Halos dito nag-aaral ang lahat ng mga pinsan ko. Hindi nga nila maintindihan kung bakit mas pinili kong mag-aral sa simpleng paaralan ng San Agustin. Para kasi sa akin, kaya kong gamitin ang utak ko at hindi ang pera ng magulang ko para pumasa.

Hindi ko na pinansin ang iba pang nakastambay sa hall way. Kung ano ano lang naman din ang pinaguusapan ng mga yon.

Wala yatang alam gawin ang mga ito kundi magsayang lang ng oras. Kahit nga ang mga pinsan kong uubod ng tamad mag-aral at puro lang gimmick ang ginagawa ay pumapasa pa din. Ang alam ng iba, ang GPM ay isang eskwelahan na kung saan matino ang mga estudyante, nagkakamali sila. Sa GPM bilang mo lang ang mga tunay na nagaaral, bukod sa mg scholar….hindi ko na alam.

Ilang saglit lang ay narating ko na rin ang classroom. Halos wala pa sa kalahati ang nasa room. May pangilan ngilan na nagbabasa, ang iba naman ay ginawa ng beauty parlor at tambayan ang room. Tumingin ako sa relo ko, anong oras na ba at parang konti pa lang ang mga students? Mas nauuna pa ba talaga ang mga teacher sa pagpasok kesa sa mga magaaral dito?

Last 2 minutes ng isa isang magdatingan ang mga bago kong mga kaklase. Kasalukuyan akong nagbabasa ng marinig ko ang mahinang kwentuhan ng mga studyanteng nasa gilid ko. Lumingon ako sa labas ng room. May nakita akong K-POP este isang grupo ng mga kababaihang estudyante sa labas. Isa isang sumilip ang mga kapwa ko bago rin sa paaralang iyon, sino ba ang mga ito? Artista?

Ayan na ang CHARMS. Charms? Siguro iyon ang pangalan ng grupo ng mga estudyanteng ito. Binubuo ito ng apat na girl student. mukhang mayayaman at syempre maaarte.

Uniform ang apat na ito. Akala mo ay magtatanghal sa entablado. Mula sa ayos ng buhok hanggang sa haba ng palda na kasing haba ng sa suot ng napapanood kong anime. Natawa na lang ako.

Mukhang sikat ang mga ito. Halos magkagulo kasi ang mga kalalakihan sa labas ng hall way. Kaya pala maraming pang hindi pumapasok sa mga classroom nila. Napailing ako ng di sinasadya. Malalaman mong kabilang sila sa isang grupo dahil sa ribbon na nakatali sa kaliwa nilang wrist na animo’y bracelet. Iba-iba man ang kulay ng bawat isa, parepareha naman ang disenyo nito.

Naghiwahiwalay na ang apat na mga “PRINSESA”. Oo, parang prinsesa kasi kung ituring ang mga ito sa buong school.

Nakita kong pumasok ang may dilaw na ribbon sa klase namin. Aba’t akalain mong may nakapasok pa pala sa kanila sa higher section. Naku…baka ginamit ang pera..naisip ko.

Previous Page of 13Next Page

Comments & Reviews (419)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended