Chapter 73

159K 2K 477
                                    

CHAPTER 73



DANIEL’S POV

Hindi ko na kayang palampasin ang araw na ito na hindi siya kinakausap. Hindi ko alam kung anong part ang narinig niya sa sinabi ko. ito pala ang kinagagalit niya. Kaya naman pala halos patayin niya ako sa titig niyang iyon.

Nagaabang ako sa may parking. Alam ko kasing hindi naman niya pahihintuin ang kotse niya the moment na makasakay na siya roon, baka nga ipasagasa niya pa ako kay Kuya Jonjon. Bukod sa may mga matindi akong pagamin nung mga araw na iyon ay hinalikan rin ako ni Zharm. Kung yon ang nakita niya, talagang dapat magusap na kaming dalawa.

Dumirecho na ako sa parking lot nung nagring ang bell, si Kath kasi ang dami pang seremonyas non bago umuwi.



KATH’ S POV

Yung mga ngiti talaga ni Sab hindi ko na maintindihan. Parang nangloloko eh. Sarap SABunutan grabe. After kong ibalik ang gamit ko sa locker ay dumirecho na ako sa parking lot.

Nakita kong nakatayo na si Kuya Jonjon. Binuksan niya ang pinto at sumakay na rin ako. Laking gulat ko ng may nakasakay na sa front seat. Si Daniel.

Kath: Anong ginagawa mo rito???

Dj: Makikisabay.

Kath: Baba.

Dj: Ganyan ka ba sa mga taong nangangailangan?? Grabe ka....hindi ko man nakikita ang mukha niya eh alam na alam kong natatawa siya.

Kath: Hindi naman...sa mga taong manloloko lang. Kaya BABA!

Dj: Hindi ako baba hangga’t hindi ka pumapayag na makipagusap sa akin.

Kath: This is a free country nga diba? So I do have a choice whether to talk to you or not!

Dj: Yes this is a free country kaya I also do have a choice whether to get off or not.

Kath: Hindi ka baba??

Dj: No. Napabuntong hinga ako. Dahil sa ayoko namang sa school kami magusap ay itinuro ko kay Kuya Jonjon na pumunta na muna sa club house ng village namin. Doon na lang kami maguusap ni DJ, at least walang masyadong tao roon.

Pagkarating namin sa club house ay bumaba na ako. hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Kath: So anong kasinungalingan na naman ang sasabihin mo?

Dj: Kath naman.....

Kath: Don’t talk as if ako ang may kasalanan dito DJ. mataray kong sabi.

Dj: Okay. You were in the Plaza nung naguusap kami ni Zharm diba??

Kath: You told me to come diba?

Eto na......eto na........

Dj: Hindi kita tinext. Hindi ko nga alam na nakauwi ka na eh. Nangunot ang noo ko.

Kath: So sino ang nagtext? Multo? O na misread lang ako? Hindi ba talaga ako invited nong mga araw na yon? Tumataas na ang boses ko.

Dj: You were there...pero bakit hindi ka nagpakita??

Natawa ako ng pilit.

Kath: Ayokong makaistorbo sa moment niyo. Nakakahiya naman sa inyo eh. Nakulangan pa yata kayo sa San Agustin kaya nag part 2 pa dito sa Manila.

Dj: Bakit umalis ka kagd?

Iba ang lagi niyang sinasagot sa lahat ng sinasabi ko. nakakainis.

Kath: Bakit? Marami pa bang mas interesting na mangyayari huh?? May mas matindi pa bang eksena??

Dj: Mali ang pagkakaintindi mo eh....sana pinatapos mo ko...

Kath: Alam mo Dj...yan ang problema sayo eh...sa sobrang malihim mo sakin, hindi na kita naiintindihan!!

Dj: I am really sorry for that Kath...kung ano man yung narinig mo...

Kath: Na ayaw mo sakin dahil maarte ako? ayaw mo sa akin dahil pilya ako? at spoiled brat?

Dj: Hindi yan ang totoo...

Kath: Ano?? Na ginamit mo lang ako para saktan ang echosera mong ex girlfriend? Ano pa ba DJ??? hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko na mapigilan ang paglabas ng emosyon ko.

Dj: Kath sana pinatapos mo ko...alam mo...lalapit siya sa akin. umiwas ako.  I admit! Yon ang una kong intensyon...pero iba na ng sitwasyon ngayon or after ng birthday ni Lolo. Kath....mahal kita....hindi mo ba naramdaman yon kahit minsan man lang na magkasama tayo?

Parang naguilty ako. Kahit nga minsan hindi ko naramdamang hindi niya ako mahal or pinaglalaruan niya lang ako, kaya nga siguro sobrang nasasaktan ako ngayon ng sobra.

Dj: I love you....I love the Kathryn na una kong nakilala. Yung galit na galit sa akin dahil naamoy niya ang kapeng natapon sa damit ko. I love the Kathryn who cried over inihaw.  Kath sa dami nating pinagsamahan...san ka ba don hindi na niniwala?

Kath: Alam mo? gustong gusto kong patawarin ka ngayon...gustong gusto kong maniwala....pero alam mo yung sakit? Andito pa din eh....

Dj: Kath...alam mo naman I won’t force you to do something  na hindi bukal sa loob mo. I will wait for the time na kaya mo na akong patawarin ng lubos Kath. I love you ...always remember that.

After niyang magsalita ay tumakbo na ako sa kotse at umuwi sa bahay. Kung sinabi lang niya na maguusap sila ni Zharm ng mga panahong iyon hindi sana kami nalokong dalawa. Sabi ko na nga ba eh, hindi si Dj ang nagtext sakin. I made a mistake nung hindi ko siya pagkatiwalaan. I made a mistake nung makalimutan ko yung lagi niyang sinasabi na “ I LOVE YOU....ALWAYS REMEMBER THAT”. Pero hindi rin naman niya ako masisisi. Masyado ko siyang mahal....kaya masyado rin akong nasaktan.



DANIEL’S POV

I cried again para sa iisang babae. Si Kathryn. Pero mas okay na ang sitwasyon namin ngayon, at least alam na niya na kung ano ang totoo. Maayos ko lang to uuwi ako sa San Agustin para lang harapin si Zharm. Hindi na tama ang ginagawa niya.



 KATH’S POV

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay niyakap ko ng mahigpit si DK. Hindi ko man nasabi kay Dj na pinatatawad ko na siya, pero sa puso ko, okay na kami.

Kath: Dk...Mom and Dad will be going to be okay. Happy??? I am sorry huh? Kung nasasaktan ka namin ng Daddy mo....hindi kasi yon maiiwasan DK eh...pero from now on, Mommy will do everything para hindi na mahurt si Daddy. Okay?? Tapos kiniss ko siya.

After non ay binuhat ko siya paakyat ng kwarto ko.

I open my laptop para tingnan ang lahat ng pictures namin together. Lahat happy...tama nga si DJ, kelan niya ba pinaramdam sa akin na hindi ako ang nasa puso niya? Wala akong maalala. Kahit naman sinasadista niya ako para itry ang mga first time ko eh nararamdaman kong mahal niya ako. Lahat ng kaartehan ko ay tinitiis nya. Lahat ng pagsusungit, lahat ng kapilyahan....lahat lahat. Mahal nga niya ako. Bakit ba kasi I doubted him? Siguro nagpatalo lang ako sa selos na nararamdaman ko kay Zharm.

Bukas....bukas...kakausapin ko na siya. Makikipagbati na talaga ako sa kanya.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon