Nightmares

4K 90 4
                                    

NIGHTMARES

 

 

Timmy's POV

 

Pumasok si Brix sa kwarto kung nasaan si Trix. What she did was wrong. She shouldn't go blaming Trixie or the ranking system. It's true that if not because of that system, we wouldn't be that close to Trixie and we won't be in this trouble, but, none of this is her fault nor the system's. Alam kong narealize na niya iyon dahil sa sinabi ng mga kapatid ni Trixie.

Now, something is bothering me, about the Underground Society. Luckily, I found a nice timing para tanungin si Kuya Erick.

"You shouldn't dig informations about the Society kundi mas malala pa dito ang sasapitin niyo." That was a warning pero di ako nagpaawat, I still asked him questions about it at umiiwas naman siya.

********

Pinauwi na nila kami kasama ang mga lalakeng may itim na mga suits, di ko sila matatawag na mga bodyguard dahil may iba sa mga ito na may nakakatakot na mukha.

Nakarating naman ako sa bahay na ligtas. Walang lingon-likod akong pumasok sa gate at sa pinto ay sinalubong ako ng kapatid kong si Mila.

"Kuya! Nagtext yung classmate ko." Salubong niya sakin. Nagtaka naman ako kasi di pa naman ito nag-aaral at mas lalong wala siyang selpon!

"Huh? Ano naman ang reply mo?" Sinabayan ko nalang ang cute na batang 'to. Three years old pa lang si Mila at sobrang kulit.

"Wala naman ako selpon, hihi." Haha, ang cute talaga!

"Bakit wala kang selpon? Haha." Tawang-tawa na talaga ako dito sa kapatid ko. Umupo ako sa sofa bago siya sumagot. "Kasi wala akong charger, hihi." Sagot niya. Humagalpak naman ako ng tawa nang may nakisali na rin sa amin, si mama lang pala.

Pagkatapos kong makipagkulitan sa kapatid ko, pumunta agad ako sa kwarto ko at inopen ang computer. Nagresearch ako tungkol sa BRG at marami ang lumabas, nakita ko rin ang website ng Underground Society pero expected ko na ang mahigpit na security nito. BUT! I managed to hack the site kaya nakapasok ako and there I learned about the infos about BRG.

The most notorious and mysterious gang in the Underground Society and there's this rumor going on about the hidden leader of the gang. The BRG confirmed it just about 5 hrs ago, siguro pagkatapos 'to ng nangyari kanina.

'BRG leader named Zero exposed himself again'  Yan ang nabasa ko, anong ibig sabihin ng 'again'? I gathered some older data about the gang at ang nakalagay doon ay halos araw-araw may nagaganap na away sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng mga gangster dito sa Pilipinas. Labanan sa pagitan ng miyembro ng BRG na si Zero at binugbog ang apat na gang nang magkakasunod-sunod nang mag-isa.  Talagang bang si Trixie yun? Miyembro pa lang pala si Trixie ng BRG noon at hindi Leader.

Sapat na ang nalaman ko sa ngayon kaya in-off ko na ang computer ko at nagshower para makatulog na, hindi naman ako gutom kasi binigyan kami ng pagkain ng mga tauhan nina Trixie dun sa ospital kanina.

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon