Interschool (Part 1)

4.1K 95 2
                                    

INTERSCHOOL (PART 1)

Trixie's POV

The day of the Interschool arrived, maayos na rin ang paa ko nung miyerkules lang at nakapagpatuloy kami sa pagpapractice ni Darylle. We're closer than before. Si Vince di kasali ditto kasi nga di siya nakaabot, tapos di parin kami nag-uusap. Tahimik lang siya sa klase, lage niyang pinagmamasdan ang paligid na para bang may nakatingin samin.

"AHHH! I'm beat!" Sigaw ni Brandon, nagpapractice kase sila dito sa quarters namin. Isang buong araw lang kami dito sa Scott High. Dito nga pala nag-aaral si Ryan at Iris, yung co-contestants ko sa Search.

Ang nakaschedule sa umaga na event ay Academic Events which is the Quiz Bowl Competition, Essay Writing and Extemporaneous Persuasive Talking at may elimination round ng ball games. Sa hapon naman ay Championship sa ball games. Sa evening naman ay yung highlights ng Competition, ang Search for Mr. & Ms. Interschool 20**, kasama na ang Dance Competition at Singing Competition. At syempre, mawawala ba naman ang Awarding? Hahaha.

1pm na ngayon at isa-isa nang nagsilabasan ang mga players naming na fighting for champion. Ang panalo pala kanina sa Quiz Bowl ay sina Timmy, individual yun pero two representatives per school, Timmy got the first place and Brandon got the second. Kasama sa mga players sina Timmy, Darylle at Brandon, di sumali si Keith kasi buong araw ang practice nila.

Habang papalabas ang mga players, may naramdaman akong may nakatingin sakin. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan, lingon sa likod, pero wala naman akong nakita kaya hinayaan ko na muna.

Nababagot na ako sa quarters kaya napagpasyahan kong manood nalang ng laro, pero syempre dahil ayokong mag-isa, hinila ko ang kumakantang si Airiz palabas.

"Trix! Nagpapractice pa ako!" - Pagpoprotesta niya.

"Tss, di pa man nagsisimula, panalo ka na. Kaya wag mo nang pasobrahan baka masagad mo yang boses mo, di ka na makakakanta mamaya. Sige ka." Pananakot ko sa kanya, pero ang baliw, ngumisi pa!

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon