Meeting Them

7.3K 181 7
                                    

MEETING THEM 

"They are our classmates, this is Xeyrah, she's one of the member's of the school's dance troupe" Turo niya sa isang cute na babae na halatang fashionista.

"Hi! I like your attire!" I just waved my hand as a response and of course I smiled. This my first time in this school knowing the names of my classmates, well, actually may mga 'introduce yourself' naman sa simula ng klase pero di ako nakikinig. Kaya ngayon lang ako makakapagmemorya ng pangalan ng iba.

"This is Brixelle, she is also a member of the school's dance troupe."-Airiz

"Yo! Nice to meet you!" Tomboy?? Ahh, hindi yata..magsalita kasiiiiiiii XD ..katulad kanina, nagwave nalang din ako sa kanya.

"I'll take it from here, Airiz" sabi ni Xeyrah sa kanya at nilapitan ang mga boys.

"Let me introduce to you, this is Brandon, the Cassanova Prince." Turo niya sa isang lalake na halatang babaero nga.

"Ano ka ba Xey, magpapakilala ka na nga lang may panlalait pa, tss. Hi! Miss Trixie." Pagkasabi niya nun sabay niyang inabot kamay niya para makipagshake hands. Tinignan ko lang ang kamay niya hanggang sa ibaba niya. Hello? Di ako pumunta dito para makipagsosyalan sa inyo, kailangan ba talaga magshakehands sa unang pagkikita? tss.

"And this is Timmy, School's Einstein" Lumingon naman yung lalakeng nakasalamin pero cute parin at may dalang libro.

"Tss. Pina-special mo pa ang nickname ko. Nerd lang din naman ang ibig sabihin nun." Inirapan lang siya ni Xeyrah. Tama nga naman siya, may sense 'tong taong 'to.

"Tama na nga ang reklamo, okay, next is Keith. King of Dance floor." Nakaheadset yung Keith na sinasabi niya at may pa-sway-sway pa sa kamay habang nakikinig ng music. Napansin niya naman na nakatingin na kami sa kanya.

Tinanggal niya muna ang headset bago magsalita. "Oh, nice to meet you, Trixie." Nagwave lang siya at ganun na din ako. Nakinig ulit siya ng Music.

"Lastly, Darylle.....the COOL (Cold) Prince." Napatayo naman yung Darylle at pumunta sa harap ni Xeyrah na halatang galit.

"JUST DARYLLE...D-A-R-Y-L-L-E.... Wag mo kong tawagin sa kahit anong pangalan." Umupo na siya pagkatapos niyang magsalita. In-emphasize pa talaga ang 'just darylle' at tinuro pa yung spelling ng pangalan niya. tss. sungit. Teka, parang nakita ko na siya dati ah. Hmmm, di ko matandaan.

"Okay, fine. Ang sungit! bleeeeehhh ! :P" Haha, parang bata lang 'tong si Xeyrah eh.

"Kain tayo?" Singit ni Brixelle. Huh? May klase pa kaya.

Nabasa naman ni Airiz yung ekspresiyon sa mukha ko.

"Wala tayong klase Trix, di mo ba alam na special class tayo ? Self-Study lang ang gagawin natin 'til next exam. Nakalagay kaya yun sa post ng site kagabi. Di mo binasa ,no?" Di ko siya sinagot. "Magbasa ka kasi, hindi naman pakikipagsosyalan ang magbasa ng post na importante." Reklamo niya.

"Shut up!" Inirapan ko lang siya at iniwan ang bag ko sa upuan na malapit sa bintana at lumabas. Pansin ko naman na di parin sila sumunod sakin kaya binalikan ko sila. "Kakain? O kakain? Mamili kayo."

Tumawa naman sila. "Anong klaseng choices yun? Haha"

Habang kumakain, panay kwentuhan at tawanan ang agahan ko. Di kasi ako kumain ng almusal kanina. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang ninanamnam ang sarap ng mainit na sabaw sa cafeteria. Isang oras na din kami dun, pero walang mga boys na sumunod. Ano pa bang aasahan ko? may ginagawa din yung mga yun. Kaniya-kaniyang buhay.

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon