A Silver Star

6.2K 154 7
                                    

a/n: hi guys, if may nagbabasa man nito, I want to know your opinion about the story, please do comment your thoughts honestly. Thank You. :)

============================

A SILVER STAR

Trixie's POV

Haaaaay  :(

Pagod, lungkot at pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Pagod, kasi kadarating lang namin kanina dito sa palawan. Lungkot at pag-aalala dahil wala ako sa tabi ni Airiz ngayon dahil bumalik na nga si Vince, ang first love at first heartbreak niya. I hated Vince since then.

"May problema ka?" Rinig kong tanong ng isang lalake kaya nilingon ko siya. Nakaupo na pala siya sa tabi ko, di ko na siguro namalayan kasi pre-occupied ang isip ko kanina. Siya yung lalake na makakatabi ko sana sa upuan sa eroplano, naalala niyo yun? yung gwapong lalake. Pangalan niya ay Ryan.

Di ko siya pinansin at muli akong tumingin sa langit na ngayon ay pansin ko na ang mga kumikislap na bituin. Di ko kasi napansin 'to kanina.

"Ba't di ka nagsasalita?" Tanong niya. Hinayaan ko lang siya. "Ang ganda pagmasdan ng langit no? Malaya mong nakikita ang mga bituin na nagkikislapan sa dilim. Alam mo, para kang bituin…" Nakatingin ako sa kanya ngayon habang siya nakatingin parin sa kalangitan. "Bituin ka kasi kahit nakikita mo siya at pakiramdam mo ang lapit na niya pero marerealize mo rin na hanggang tingin ka nalang pala. So close yet so far, parang ganun. Ngayon katabi kita pero di mo naman ako kinakausap." Aniya.

"Pero iba ang pinapakita mo pag kasama mo siya."  Pagpapatuloy niya. Nakakunot naman ang noo ko, sino ba ang tinutukoy niya?

"Sino?" Tanong ko.

"Si-----"  Di na siya nakapagpatuloy nung may nagsalita sa likuran namin. Nandito kasi kami ngayon sa parang mini park ng hotel.

"Ba't nandito ka pa Trixie? Magpahinga ka na para bukas."  Sabi ni Darylle sa'kin pero kay Ryan siya nakatingin.

"Sinusundo ka na Trixie. Ipon ka na ng lakas para bukas." Natatawa niyang sabi habang kumakaway papalayo sa'min.

"Kanina ka pa parang may iniisip ah, dahil ba yan sa tawag kanina?"  Tanong niya. Tinitigan ko lang siya at nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Bakit ganun? Parang ayoko siyang mag-alala. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Gusto ko ng umuwi."  Wika ko sabay tingin sa kalangitan.

"May problema sa Maynila?"  Nag-aalala ang boses niya. Umiling lang ako. Di ko sasabihin sa kanya ang dahilan.

"Namimiss ko na ang bahay."  Pagsisinungaling ko. Wala naman talaga ako mamimiss sa bahay kasi wala naman ang pamilya ko dun.

Di na siya nagsalita at may tinawagan nalang sa cellphone niya. Nang matapos na siya, hinarap niya ako at hinila papuntang room ng mga guro. Anong gagawin namin dito?

Nagdoorbell siya at bumukas naman agad yung pinto at si Miss pa talaga ang nagbukas.

"Miss, may sasabihin kami sa'yo."  Wika niya. Teka? Ano naman ang sasabihin ko?

Pumunta kami sa veranda ng kwarto ng mga guro para doon kami makapag-usap pero nalilito parin ako.

"Anong pag-uusapan natin?"  Malambing na tanong ni Miss.

Eh sa hindi ko nga alam kung anong ginagawa at kung ano ang pag-uusapan naming tatlo, si Darylle na ang nagsalita.

"Uuwi po kami ng Maynila bukas ng hapon."  O___O  WHAT??? Bakit kami uuwi?

"Bakit naman? May mga activities pa tayo."  Nag-aalalang tanong ni Miss.

T-teka, wag mong sabihing dahil 'to sa sinabi ko kanina?

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon