Ano daw??

7.7K 162 15
                                    

ANO DAW??






Trixie's POV








Announcement: Class A, report to the Dean's office, now.





Ano na naman ba yan Dean??? Lumapit na yung tatlo sakin at ako tatayo narin. Palabas na kami sa library nang may mga lalakeng papalapit sa amin. Paglingon ko sa gawi nila, sina Darylle pala yun. Binawi ko naman ang tingin ko nung mapalingon siya sa akin o sa amin. Binuksan ko nalang yung glassdoor at lumabas na ng library. Kahit di ko sila lingunin, alam kong nakasunod silang pito sakin.





"Anong ginagawa niyo sa library?" Tanong ni Airiz.






"Uhm… Maliban sa magbasa, ano pa ba ang dapat gawin sa library?" Pambabara naman ni Keith. Pano ko nalaman na si Keith yung nagsalita?? Syempre nilingon ko, as simple as that. Wala naman akong super powers ng manghuhula no, utak brain nga.





"Pilosopo ka rin no, haha, sabi ko nga nagbabasa kayo ng libro dun. Utak brain nga Airiz."  Nagtawanan naman sila sa sinabi ni Airiz, kahit ako napapangiti na rin.




"Pwede ka rin matulog sa library, o magtext, o magFB!"  Pagpapaliwanag naman ni Xeyrah.




"At hula ko, si Timmy lang talaga ang nagbasa ng libro dun."  Dagdag pa ni Brix. Si Timmy nga pala yung Einstein kaya malamang nagbasa talaga siya sa loob.




"Pano ka naman nakakasiguro dun, Brix?" Tanong naman ni Brandon.




"Ikaw? Magbabasa ng libro? Mukha mo! Nakikipagharutan ka lang dun sa loob, haha, nakita ko nga eh. Wala ka talagang pinipiling lugar. Tapos nakita ko pa si Darylle na nakaupo sa sulok na di masyadong pinupuntahan at natutulog, haha. Tapos si Keith, puro naman sway sway sa kamay at may dalang libro pero halata namang di binabasa, pabaliktad kasi hawak dun. HAHAHAHAHA! Dami kong tawa kay Keith xD"  Halata namang masaya talaga siya diba? Papadyak-padyak at pumapalakpak pa siya sa pagtawa. Pati kami napatawa na rin. Haha, upside down ba naman ang libro ni Keith xD




"Grabe! Napansin mo pa talaga yun? Hanep!"  bulalas ni Keith na manghang-mangha kay Brix na ngayon ay tumatawa parin.




"Hayuuup! Ang sakit na ng tiyan ko xD"  Napahawak na siya sa tiyan niya nyan. Masayang-masaya talaga siya ╮(╯_╰)╭




"Ang saya mo naman, tulungan niyo naman siyang tumawa oh."  - Darylle




Nagsalita ang taong di ko inaasahang magsalita, napatigil naman agad sa pagtawa si Brix at tinignan siya masama. At sinapak niya si Darylle.




"Langya ka talaga Darylle, pwedeng wag ka nang magsalita? Nakakawalang gana eh!"  Napatawa nalang kami sa kanilang dalawa. Ang kulit pala nila.




Dahil sa pag-uusap namin, di namin namamalayan na nasa tapat na pala kami ng office.




Ako na ang nagbukas ng pinto, ang bait ko diba?? Haha, ayaw ko lang mahuli ng pasok.




Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, nakita ko ang dean na may pinipirmahang papeles. Napansin niya naman kami at tinuro ang upuan sa tapat ng table niya. Apat lang ang upuan kaya nakatayo yung apat na lalake, bago pa nga makaupo si Brix, nag-agawan pa sila ni Brandon sa upuan. Nanalo si Brix kasi kinurot niya sa tagiliran si Brandon. Nakasimangot nalang si Brandon at sinasabihang madaya si Brix at siya daw ang nauna. Wala namang pake si Brix sa kanya.


Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon