Hidden Secrets Revealed

3.8K 100 3
                                    

a/n:I dedicated this chap to my friend also here in watty, wala kaming matinong pag-uusap ng babaeng to sa thread at sa MB kundi kung ano yung konek ng ganda namin sa ginagawa namin.. Ang baliw lang, di talaga nawawala sa usapan ang "MAGANDA KASI TAYO.." "ANG GANDA TALAGA NATIN.." at kung ano-ano pang GANDA yan XD .. well, labs ko si KAMBALMAGANDA eh.. HOYYY, BABAE, dumaan ka din sa MB ko, alam mo namang gumaganda din MB ko pag dumadaan ka XD hahaha XD

Oh SHIGI NA , BASA NA!! XD

========================================================

HIDDEN SECRETS REVEALED

Author's POV

Lahat ng atensiyon ay napunta kay Trixie dahil sa sigaw niya. Nakaupo na ito at pilit na tinatakpan ang kanyang taenga para wala nang marinig.

Dumilat si Trixie upang makita ang kalagayan ng kanyang matalik na kaibigan ngunit iba ang kanyang nakita. Dugo. Maraming talsik ng dugo sa kanyang katawan.

Nataranta siya at pilit na inaalis ang dugo sa bawat parte ng kanyang katawan. "Ba't ayaw maalis? Dugo! Ang daming dugo! DUGO! Napakaraming dugo!" Sigaw niya.

Nagtataka naman ang mga tao sa paligid niya, wala silang nakikitang dugo sa katawan ni Trixie, ni talsik ng dugo, wala sa katawan at damit nito. Natataranta itong pinapahid ang kanyang mga braso. Nag-iilusiyon ang naisip ng mga tao sa nangyayari kay Trixie.

"Alisin niyo! Alisin niyo ang DUGO!-AHHHHHHHHHH! Alisin ni----" Napatigil si Trixie sa pagsigaw nang may yumakap sa kanya. Iyak ng iyak ang dalaga, ngayon ay wala na ang mga dugong kanina pa niya pinipilit na mawala sa katawan niya.

"M-may dugo, Darylle.. Ang daming dugo.." Iyak nito at niyakap pabalik ang binata. Nakawala na kasi ito sa pagkakatali dahil lumuwang ito nung binugbog siya.

"Shhhh.. walang dugo. Wag kang mag-alala, may paraan na ako para makatakas ka." Wika nito sa kanya at bumitiw siya sa pagkakayakap dito.

Hinawi ni Darylle ang buhok ni Trixie sa mukha. Pinunasan niya ang mga luha nito sa pisngi at hinahaplos ang mukha, na wari'y ito na ang huli nilang pagkikita.

 "Magiging okay rin ang lahat." Wika niya. Tumango lang si Trixie. 

Tumayo si Darylle at tinalikuran si Trixie. Panay ang tawag ng mga kaibigan niya sa kanya pero di niya ito pinapansin, hinarap niya ang pinuno ng mga dumukot sa kanila.

"Kung iniisip mong makikinig ako sayo, pwes nagkakamali ka! Wala akong kailangan sayo, kaya dapat ka nang mawala!"

*BAANG!*

Natulala ang lahat. Malinaw na malinaw sa kanila kung ano ang nagyari, binaril ng pinuno si Darylle pero may sumagip dito at siya pa ang nabaril sa tagiliran.

"KUYA!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Trixie!

"Michael!!!!!" Sigaw din ng babaeng di nila kilala.

 May lumabas ulit na mga imahe sa isipan ni Trixie. Mga usapan. Mga alaalang nakalimutan niya. Mga alaala kung sino talaga siya, na kung ano ang halaga niya. Hindi niya akalain na ganito pala kagulo ang katotohan ng buo niyang pagkatao.

"Airiz!" Sigaw ni Xeyrah. Napalingon si Trixie sa gawi nila at nakitang naghihingalo na ang kanyang kaibigan. Marami nang dugo ang nawala sa kanya. Naalala niyang muli ang kanyang mga magulang. Napapikit siya at may tumakas na luha sa kanyang mata. 'Ayoko na! Ayoko nang mawalan pa ng minamahal!'Sigaw niya sa kanyang isipan.

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon