Interschool (Part 2)

3.8K 97 6
                                    

INTERSCHOOL (PART 2)






Author's POV






Abala ang lahat sa pag-aayos ng sarili maliban kay Trixie na minimake-up-an ngayon at si Darylle na abalang nilalantakan ang jollibee take out nina Trixie.






Nagdidiwang ang mga players dahil champion kami sa basketball, volleyball men and women at badminton doubles, 2nd place sa table tennis at badminton singles men and women.






Sa isang madilim na parte ng Scott High ay may dalawang taong nag-uusap at isang taong taga-bantay para magbigay ng warning.






"Siguraduhin mong di ka papalya, kailangan mo lang siyang daplisan sa balikat o sa hita para mahuli natin ang target at masagawa na ang mga plano." Utos at paninigurado ng tumatayong boss sa kanila.






"Nakasisigurado po akong di ako papalya sa gagawin ko." Pagkukumpirma ng utusan ng boss.

  

"M, may  paparating..." Warning ng tagabantay.

"Lumayas ka na." Pagtaboy ng boss sa tagasunod niya."Let the game begin." She smirked to herself, a sign for their successful plan.





Nagsimula na ang pinakahihintay ng lahat, ang main event ng interschool competition, Search for Mr. and Ms. Interschool 20**.






Excited ang lahat sa papasimulang event, samantalang ang mga contestants sa likod ay natataranta na sa kaba.






"Kinakabahan ako! Tubig! I need water!" Paghehysterical na wika ni Dana. Agad naman siyang binigyan ni Lalaine.

 




"Ang OA mo talaga, Dana." Pang-aasar ni Kevin, partner ni Dana.






Sa isang tabi naman, hinuhugot ni Trixie lahat ng lakas at confidence niya sa kanyang sarili at sinasabi sa kanyang sarili ang mga katagang, "Mag-eenjoy ako," nang paulit-ulit.






"Nervous?" Tanong sa kanya ng partner niyang si Darylle na ngayon ay katabi na niya.






Natulala naman siya sandali sa taong katabi niya, she became more conscious about him after seeing him play basketball at ngayon na naka-jeans wear (first category) ito with his messy hair, mas attractive at charismatic ang dating nito.

Elite Academy (Blame it on the Ranking System)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon