To Love and be Loved in Return [Chapter 43]

111 6 1
                                    

CHAPTER 43

NINA’S POV

O______________________O

Waaaaaaaaaah!

He just kissed me on the lips?!

O______________________O

Pagkatapos niya akong halikan, bigla akong napahawak sa labi ko. Nandun pa din yung kiss niya. Shet! Mahihimatay ako! >//<

“Tara na?”

Napatingin ako sa kanya tapos nag smile lang siya. Medyo napansin ko na nagpipigil siya ng tawa hmp!

“Ano tinatawa tawa mo diyan?” pagmumuktol ko

“Parang kasing sobra kang nagulat sa kiss ko eh.”

“H-hindi ah! Hindi ko lang inasahan.”

“Talaga? Eh bakit ka namumula?”

Tapos tinitigan niya ako. Shemay ka Nathan. Para na tuloy akong tomatoe sa ginagawa mo.

“Oh kita mo, pulang pula yang pisngi mo. HAHAHA”

“Grabe naman ‘to. Pagtawanan pa ako.”

“Biro lang. lika ka na nga. Hatid na kita sa classroom mo.”

NATHAN’S POV

HAHAHA Natatawa pa rin ako kay Nina! Hinalikan ko lang namula mula na yung pisngi niya.

Ayaw ko naman siyang pagtawanan kasi baka mamaya magalit sakin haha. Hindi ko naisip na ganito pala kasarap magmahal. Yung tipong mahal ka din ng taong mahal mo. Yuck. nababakla na ako! >//<

“Oh pare. Lapad ng ngiti natin nagyon ha.” – Marky

“Wala ‘to pare. Tinamaan lang.”

“KANINO?!” tanong nina Marky, Ruffy, at Jocen >//<

“Tinatanong pa ba yan? Halos kilala niyo na eh.” pang aasar ko

“Hmm. Sige hulaan ko. Si Ysabelle ba yan?” biglang tumaas kilay ko

“Hmm? Si Kathy ba yan?” bigla namang sumama tingin ko

“Kilala ko. Si Angelique yan no!” bigla namang kumunot noo ko

“Ano ba kayo! Sa lahat ng binanggit niyo, walang nakasagot ng tama.”

“EH SINO BA KASI?!” sabay na naman sila >//< lahat tuloy ng kaklase namin napatingin samin

“Si Nina. :)” 

“ANO?!” sabay na naman sila kainis naman mga ‘to! Batukan ko eh! >//<

“SI NINA NGA! KANINA PA KAYO HA!”

“Hahaha pare. Bumigay ka rin!” – Marky

“Tapos kagabi akala mo nabagsakan ng langit sa sobrang lalim ng problema.” – Ruffy

“Kaya nga. Tapos malalaman nalang natin na siya pala ang rason kung bakit napapangiti si vocalist ngayon haha.” – Jocen

“YOWN!” tapos nag apiran silang tatlo >//< bwisit mga ‘to. Panira ng moment!

“Panira kayo ng moment! Umalis na nga kayo ditto.” Pagtataboy ko

“Ganun nalang yun? TEKA KAYO NA BA?”

“Ano ba! Lagi nalang kayo sabay tatlo ha!”

“Yun eh! nagalit si vocalist haha!” – Ruffy

“Hindi pa kami. Liligawan ko palang mamaya.”

“Hina mo pre. Siguraduhin mo lang yan ha.” – Ruffy

“Kundi?”

“Aagawin ko siya sayo. Angal?”

“Lul. Asa ka pa. umalis na nga kayo. Badtrip.”

Badtrip mga ‘to. Imbes nag iisip ako kung paano ko gagawin yung panliligaw kay Nina eh hmp. Wala pang teacher. Text ko nga si Nina.

To: Nina <3

Boring ditto. Wala pang teacher. Gawa mo?

Message sent.

After 30 seconds, aba nagreply kaagad haha!

From: Nina <3

Wala kaupo lang. wala pa din teacher eh. ikaw?

To: Nina <3

Wala may iniisip lang.

Message sent.

From: Nina <3

Sino? Babae mo?

To: Nina <3

Grabe ‘to. Ikaw lang naman babae sa buhay ko. Cheesy amp.

Message sent.

From: Nina <3

Siguraduhin mo lang. papatayin ko babae mo.

To: Nina <3

Opo boss. Sunduin kita maya sa bahay niyo. 7pm.

Message sent.

From: Nina <3

Why?

To: Nina <3 

May surprise ako sayo. Formal dress ha. :)

Message sent.

From: Nina <3

Kay. Sige baboo na. Dito na martyr kong teacher. Love you.

To: Nina <3

Love you too! :*

Message sent.

Cheesy namin amp. Paano ko gagawin yung mamayang gabi? Naman. 7pm nasabi ko? Ano kaya pwede? *TING!* may naisip na ako hahaha!

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon