To Love and be Loved in Return [Chapter 24]

156 7 0
                                    

CHAPTER 24

CONTINUATION

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Ipinatong ko yung left arm sa noo ko at hindi ko alam kung ano na naman ang iniisip ko.

Sa sobrang tagal nang pag iisip ko, bigla ko nalang naalala si Ysabelle.

Iniisip ko kung anong ginagawa niya ngayon.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko at kinuha ang cellphone sa drawer ko.

*Calling.. Ysabelle Ko at Wala Ng Iba!*

*Kring.Kring.*

Pagkatingin ko sa screen ng cellphone ko, kaagad nalang lumitaw ang *Number Busy*.

Nagtataka naman ako.

Bakit kaya busy yon?

Napagplanuhan kong bisitahin nalang siya sa bahay nila.

Total Linggo naman ngayon.

Wala naman akong lakad na pwede kong puntahan.

Dali-dali akong nagpalit ng damit at patakbong umalis sa kwarto ko.

Pagkadaan ko sa living room, nakita kong magkasamang nanonood sila mommy at daddy.

Narinig yata nila ang patakbong yapak ng paa ko kaya pareho silang napalingon sakin.

Napahinto muna ako at…

“Oh, saan ka pupunta anak?” tanong ni mommy

“Makikipag date ka ba?” tanong naman ni daddy

“Ha? Hindi po. May pupuntahan lang ako sandal. Babalik rin ako kaagad.”

At dali dali na akongtumakbo palabas ng condo at takbo takbong tinungo ang elevator.

*TING!*

Pagkabukas ng elevator, patakbo akong pumunta sa parking lot at isang humaharurot na sasakyan ang lumabas mula sa parking lot ng building.

Drive ditto, drive don. Ikot ditto, ikot don.

At nang makarating na ako sa village nila Ysabelle, bigla akong napatingin sa garden ng bahay nila.

Nagdrive ako paatras ng konti para makita kung sino ang nandoon.

Pagkaatras ko, mukha kaagad ni Ysabelle ang nakita ko.

Napangiti naman ako.

Bababa na sana ako ng sasakyan ko nang biglang lumitaw ang isang mukhang hindi ko inaasahan.

O________________________________O

NATHAN?!

At bakit magkasama sila ni Ysabelle?!

***

Dahil sa nakita ko, bigla nalang nagsalubong ang kilay ko.

Pinaharurot ko muna ang tunog ng sasakyan ko at pabilis na umalis sa tapat ng bahay nila Ysabelle.

Habang nagmamaneho ako, bigla nalang tumunog ang cellphone ko.

Nang tignan ko,

1 message received.

From: Ysabelle Ko at Wala Ng Iba!

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinignan kung ano man ang tinext ni Ysabelle.

From: Ysabelle Ko at Wala Ng Iba!

Hey, sorry for not answering your call. I’m with Nathan right now. Just see you tomorrow.

-Ysabelle

ANAK NG!

Talagang sinabi niya pang kasama niya si Nathan ha!

P*ta!

Magsama silang dalawa!

Sa sobrang badtrip ko, napahinto ako sa pagdadrive ko at sinuntok ang manibelang hinahawakan ko.

“Argh!”

Sabay lagay ng dalawang kamay sa mukha ko.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Nagtataka ako kung bakit sobra akong nagagalit.

Nagseselos ba ako?

Tss!

Mahal ko na kaya siya?

Tss!

Hindi! Hindi pwede!

Kay Monique lang ako!

Nangako ako sa kanya na siya lang ang mamahalin kong babae sa buhay ko..

Pero bakit ganito nalang ako naapekto?

Nakita ko lang silang magkasama, kumunot na ang noo ko.

Ysabelle naman kasi eh!

Alam niya na ngang ayaw na ayaw kong dumidikit siya kay Nathan tapos ganito pa gagawin siya sakin?

TOKWA.

Nanadya yata. >///<

***

AUTHOR'S NOTE:

Tska na uli ako mag uupdate. Wait fot the next chapter kung ano magiging asal ni Timothy kay Ysabelle. Magpapakumbaba ba siya at pilitin nalang kalimutan ang mga nakita niya? O, magpapakabitter nalang muna siya kay Ysabelle?

Find out sa next chapter ko! ;)

-MonsterChami1023

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon