To Love and be Loved in Return [Chapter 34]

139 5 0
                                    

CHAPTER 34

YSABELLE’S POV

Natapos rin yung first game nila Timothy.

Mamayang hapon daw uli yung continuation.

Heto kami ni Nina ngayon, inaabangan si Timothy sa labas ng gym.

Kasi naman eh. Nanalo sila. Si Timothy ang nagpanalo sa grupo nila.

Kaya hayun, buhat buhat nila si Timothy.

Hindi naman ako makasingit sa saya nila kasi ang dami talagang tao.

Baka masagi lang ako >//<

“Ysabelle, hindi ba natin pupuntahan sina Timothy sa loob?”

“Eh baka kasi marami pang tao eh. Dito nalang muna tayo.”

“Wait, silipin ko.”

Umalis muna si Nina sa kinatatayun namin.

Sumilip siya sa back door ng gym tksa lumapit uli sakin.

“Oh Ysabelle, wala naman na palang tao eh. Tska napansin kong hinahanap ka ni Timothy.”

“Ha?!”

“Halika na kasi!”

Tapos hinila niya yung kamay ko papuntang gym.

Pagkapsok naman namin dun, nakita ko si Timothy.

Mukhang hinahanap nga ako.

Nang makita niya naman ako, bigla siyang lumapit sakin.

Naka smile siya. Tapos yung dalawa niyang kamay nakahanda na para ihug ako.

“Wala bang hug diyan wifey?”

“Ha? Ayoko. Sobra kayang pawis mo.”

“Sus wifey ko talaga oh.”

Tapos bigla niya nalang akong niyakap.

Napasandal naman yung mukha ko sa dibdib niya.

Napansin ko na kahit pawis na pawis siya, ang bango bango pa rin niya.

Niyakap ko nalang rin siya pabalik.

“Sus, yayakapin rin naman pala ako. Umaayaw pa sa una eh.” pang aasar niya

Tinignan ko lang siya ng masama tapos bigla siyang tumawa.

“Ahem, ahem, ahem. Magkakalanggam niyan sa loob ng gym.”

Sabay kaming napatingin ni Timothy sa likuran namin.

Hay. Si Steven na naman. As usual, susulpot lang talaga siya tuwing magkayakap kami ni Timothy. =__=”

“Ah-siya nga pala Timothy, Steven, Six. Si Nina nga pala. Kaibigan ni Nathan.”

“Ah-hello. Ako si Nina Samantha de Guzman. Nice meeting you.”

Bigla namang pumaharap samin si Steven.

“Ah-hi Nina. Ako nga pala si Steven, Steven Cruz.” Tapos nagpacute pa siya kay Nina

Bigla namang sumulpot si Six, ginaya niya yung ginawa ni Steven.

“Hi Nina! Ako nga pala si Six, Six dela Vega.” Tapos kinuha niya yung right hand ni Nina at kiniss niya yun

Tawa lang kami ng tawa ni Timothy.

Kasi hindi ko akalain na ganoon ang gagawin nila kay Nina.

“Oh tama na yan. Masyado niyo nang tinotorture ang kamay ni Nina.” sabat ni Timothy

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon