To Love and be Loved in Return [Chapter 37]

127 6 0
                                    

CHAPTER 37

NINA’S POV

“Nathan, pumayag ka na kasi please?”

“Bakit ba ang kulit mo? Ikaw nalang makipagkita sa kanya. Wag mo na akong idamay diyan sa kalokohan niyo.”

“Sungit mo talaga. Sobrang taas ng pride mo.”

“Pride? Ikaw naman surf.”

“Kfine! Thank you sa sagot ha! Thank you!”

"Walang anuman. :)"

Tapos nag walk out nalang ako.

Bwisit talaga ‘tong lalakeng ‘to!

Ako na nga gumagawa ng paraan para magkabati sila, tapos ganito pa!

Mas tinataasan niya pa ang pride niya! Nakooo.

Masisira beauty ko nito! >//<

Andito ako ngayon sa high school grounds kung saan nakapwesto yung mga booth.

Ang daming estudyante!

Yung iba, foodtrip. Yung iba naman, hindi nakakaligtas sa marriage booth HAHAHA!

At sino ang nandoon sa marriage booth?

Nacucurious ako! Bakit ba kasi ang raming tao?

Lumapit ako dun sa booth na yun. Kaso hindi ko makita. Ang raming estudyante.

Nag excuse excuse nalang ako. Kahit yung iba nagagalit sakin kasi singit daw ako.

Aba! Pasensya nalang. Gusto ko lang talagang makita! >//<

WHAT THE?! TOTOO BA ‘TONG NAKIKITA KO?!

“Timothy Russell Lee, would you take Monique Ysabelle Chan for being your lawful wife for richer and poorer, for better and for worse?”

“I do.”

“Monique Ysabelle Chan, would you take Timothy Russell Lee for being your lawful husband for richer and poorer, for better and for worse?”

“I do.”

“Now, I declare you as a husband and wife. You may now kiss the bride.”

“Kiss!”

“Kiss!”

“WAAAAAAH! Ang sweet nila!”

“Mas bagay sila!”

Choserang frog. Tama kayo. Mas bagay sila. Kasi mas bagay naman si Nathan at Ysabelle eh. ^0^

Nang tignan ko si Timothy, hinalikan niya lang sa pisngi si Monique.

Reaksyon naman ni Monique, parang wala lang. siguro sanay na siya na halikan ni Timothy kasi nga. Sila dati diba? Yun ang narinig ko.

“Gurl, hindi sila bagay. Mas boto ako kay Ysabelle.”

“Me too sister! That loser, I hate her. Ang sama kaya ng ugali niyan.”

“I agree. Kung ano ang ikinaganda ng mukha niya, siya namang ikinaitim ng budhi niya.”

“Taray ‘te. May kasabihan ka palang ganyan.”

“Chos. Narinig ko lang.”

“HAHAHA!”

Natawa rin ako dun nung narinig ko yun.

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon