To Love and be Loved in Return [Chapter 18]

152 8 1
                                    

CHAPTER 18

YSABELLE’S POV

[/MUSIC PLAYING: Today Was A Fairytale by Taylor Swift] 

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Ano kayang nakain ni Timothy kaya ganon siya kasweet sakin?

Naaalala ko, tuwing magkasama kami, asaran ditto, asaran don. Ingay ditto, ingay don.

Tapos ngayon, sobrang cheesy niya na? Nakakadaga naman.

Siguro ganon din siya kasweet kay Monique kaya nagtagal sila.

Pero ang pinagtataka ko, kung hindi ba nagsimula ang lahat sa text, hindi ba mangyayari ang mga ‘to?

Napakaimposible pa rin eh.

Gusto ko siya.. Gusto ko si Timothy.. Kaso hindi ko pwedeng ituloy kung ano man ang nararamdaman ko..

Si Monique, siya ang tunay na minamahal niya.

Pero paano naman ako kapag nagkabalikan na sila?

Papansinin niya pa ba ako o iiwasan niya na ako?

*KNOCK.KNOCK*

Bigla nalang akong napatingin sa pintuan.

Sino na naman kaya ‘to?

“Pasok.” Yan nalang ang nasabi ko. Tinatamad akong bumangon para buksan ang pinto eh.

Pagkabukas ng pintuan ko, nagulat ako sa nakita ko.

Bakit siya nandito?

Anong kailangan niya?

“Anak..” sabi ni mommy at umupo siya sa kamang hinihigaan ko.

Bumangon muna ako at inayos ayos ang sarili ko.

“Bakit ma?”

“Hmm.. May boyfriend ka na  ba anak?”

Nagulat naman ako sa tanong niya.

Ako? May boyfriend?!

Tss!

M.E.R.O.N. nga HAHAHA!

Pero bakit naman kaya natanong ni mommy yon?

Hala! Baka nakita niya kami ni Timothy kagabi!

Omy! Lagot ako neto!

“Ah—ma. B-bakit mo naman n-natanong yan?” tarantang tanong ko sakanya

“Kasi pagkapasok ko ng guest room kanina,may nakita akong bouquet na flowers at isang heart shape na chocolate.”

Tss! Sabi ko na nga ba eh!

Nakalimutan ko nga palang kunin yun kahapon!

Bakit pa kasi doon ko nailagay eh.

Mabubuking talaga ako nito. =___=

“Ah—eh.. Ma.. G-galing po yun sa kaibigan ko..”

*taas kilay ^__-* Sinong kaibigan?”

“Si.. Si..”

“Si? ^__-”

Hala! Sinong sasabihin ko? Wala naman akong ibang kaibigan sa school kundi yung mga kapep squad member ko lang at saka sila Timothy at mga kaibigan niya!

Kung hindi naman si Timothy ang kasama ko, si Nathan naman.

Tama!

Si Nathan nalang!

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon