To Love and be Loved in Return [Chapter 3]

321 24 10
                                    

AUTHORS NOTE:

I dedicate this chapter to RonaClaireLim. Pareho kasi kami na favorite ang Phineas and Ferb. Haha! Keep on reading! Pa vote akoooo! ^___^

-MonsterChami1023

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 3

TIMOTHY’S POV

*ALARM CLOCK RINGING*

Bow chika bow wow, That's what my baby says! 

Mow mow mow and my heart starts pumpin'

Chika chika chu whop

Never Gonna Stop Gitchi Gitchi Goo means That I Love You

(I said A) Bow chika bow wow, That's what my baby says! 

Mow mow mow and my heart starts pumpin'

Chika chika chu whop

Never Gonna Stop Gitchi Gitchi Goo means That I Love You (Baby, Baby...)

Unti-unti kong minumulat ang mga mata ko.

Second week na ng school.

Panay pa rin ang practice naming sa basketball.

Bumangon na ako at nag unat unat muna bago patayin yung alarm clock ko.

Ang ganda ng tunog no?

Fan kasi ako ng Phineas and Ferb eh.

Tinignan ko yung alarm clock, 6:00 na ng umaga.

Tumayo na ako at nag exercise muna ng 15 minutes sa veranda tapos naligo na.

6:35 am, tapos na akong maligo at mag ayos.

Bumaba na ako at diretsong pumunta sa dining table.

“Good morning, son.”

“Oh dad! Umuwi na pala kayo? Bakit hindi niyo sinabi? Teka, nasan si mommy? Hindi mo ba siya kasama?”

“No, son. Nagpaiwan siya sa France, marami pang inaasikaso eh. Hindi naman ako magtatagal dito. Babalik na rin ako dun bukas.”

“Bakit ang bilis?” sabay upo tapos kumuha ng bread

“Ganon talaga.” Sabay lapit tapos tinap yung balikat ko

“Sige alis na muna ako. Kakausapin ko lang si Mr. Ong”

Tapos umalis na siya. Tinitigan ko lang ang pag alis niya.

Haiy. Wala na talaga silang time sakin. Makakain na lang nga.

***

“Manong alis na po ako. Tapos nab a nalinisan yung kotse ko?”

“Tapos na ho sir.”

“Sige, salamat po.”

Sumakay na ako sa sasakyan at umalis na papuntang school. Mga 30 minutes away para makarating don.

Kung minamalas malas ka nga naman. Naabutan pa talaga ako ng traffic.

Teka, anong oras na ba? baka malate ako nito.

Tinignan ko ang cellphone ko at 6:50 palang naman. Maaga pa, 7:30 naman ang bell.

Habang naiinip ako kakahintay sa traffic, naisipan kong textsan ang ex ko para sabihing mag usap kami.

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon