To Love and be Loved in Return [Chapter 17]

191 8 7
                                    

AUTHOR'S NOTE:

See the picture at the right side, sa may multimedia. Andoon yung Gazebo na may candle light dinner. Yun yung ginawa nila Six and Timothy. Ganda no? Kainggit much! :D

Vote please! ;)

-MonsterChami1023

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 17

TIMOTHY’S POV

“Oh tapos na ba lahat? 10:00 pm na.”

“Sir, tapos na po lahat.”

“Sige, etong bayad. Salamat.”

Pinagmasdan ko ang buong Gazebo. Unti-unti akong napangiti sa nakikita ko.

Napaka peaceful ng dating. Simple lang ang design.

Sana magustuhan ito ni Ysabelle.

*Kring.Kring.*

*Calling.. Steven Cruz*

Napahinto ako sa pagpapantasya ko nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ko.

Kinuha ko naman kaagad sa pocket ko at tinigna kung sino ang tumatawag.

Si Steven.

Bakit naman ‘to tumatawag?

Diba sabi ko sakanya ako ang tatawag?

Masagot nalang nga.

“Oh, pare ba--”

“Pare si Ysabelle! Nilayasan na ko ditto! Tinangay niya kahit susi ng kotse ko! Marunong daw mag drive eh.”

“Ano?! Bakit hindi mo pinigilan?! Puntahan mo nga!”

“Eh ayaw papigil eh! Tska bakit kasi ang tagal tagal niyo? Pareho na kaming nagugutom at inaantok!”

“Ay. Anak ng! puntahan mo na sabi eh! Baka kung ano pang mangyarin dun! Bilis!”

*Doo.Doo.Doo.*

At iend ko na kaagad ang tawag.

Bakit naman hinayaan ni Steven na makaalis yung babaeng yun?!

Anak ng!

Kapag may nangyari lang don, lagot ka saking Steven Cruz ka!

“Oh pare, mukhang badtrip ah.” – Six

“Yang Steven na kasi yan. Sasabit tayo sa ginagawa niya eh.”

“Oh, anon a bang balita?”

“Ewan ko dun. Pauwi na yata sila.”

*Pit.Pit.Pit.*

Sabay kaming napatingin ni Six sa sasakyang bumisina.

Lagot na!

Andiyan na ang sasakyan ni Steven.

“U-uy Six! Patayin mo muna yung ilaw dali! Nandiyan na sila!”

“O-o s-sige.” Tarantang sagot ni Six at patakbong tinungo ang Gazebo.

Pagkatapos patayin ni Six ang ilaw sa Gazebo, sabay kaming nagtago sa garden nila Ysabelle.

Nakita kong padabog na bumaba si Ysabelle muna sa passenger seat ng kotse ni Steven. Padabog din siyang naglalakad papasok ng bahay nila.

“U-uy Ysabelle! Wait!”

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon