Challenge # 30

79.7K 3.1K 567
                                    

Run and Shoot

Rigor's

I couldn't sit still. I am waiting for my wife. Ang sabi niya ay uuwi na siya ngayon and that she is on the way. Kanina pa siya nagtext pero hanggang ngayon wala pa siya. I am looking at the window, thinking about her. Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Violet. She smiled at me. Lumapit ako agad sa kanya para yakapin siya.

"Ang tagal mo. Akala ko kung napano ka na." I told her. Violet smiled.

"I can take care of myself." Hinaplos naman niya ang mukha ko. "Plus, Red took me home. Kamusta ka na?" Tanong niya.

"I'm... missing Ama." Sabi ko. Hindi ko maintindihan kung paanong nangyari ang bagay na ito. Ama is a good man. Hindi ko alam kung may kaaway siya para gawin ito sa kanya. He was shot. His death was untimely at hindi ko iyon basta mapapayagan. I need to know who did this to him.

"Kamusta si Mr. Azul?" I asked her.

"He's fine. On the way to his recovery. Ang inaalala ko lang ay si Uncle Ido. You know Papa's friend. He's still on the verge. Kumain ka na ba? By the way, nabanggit ko na kay Mamay ang sa atin. She said that she would want to talk kapag gising na si Papay. I hope that's okay."

"Of course, V." Sabi ko at hinalikan siya sa labi. Sabay naming tinungo ang silid. May mangilan-ngilang gamit akong pinabili para sa kanya. She took a shower and while she is in the bathroom, kausap ko si Makisig at si Maliksi. I told them that I need to know what really happened to my father. Henry wants the same thing, hindi ito basta-basta lang.

Travelyan wanted the same thing too. Mahal niya si Ama. Alam kong lahat kami ay iyon ang gusto. Matapos ang meeting naming tatalo ay bumalik ako sa silid naming mag-asawa. Violet was on the bed, combing her hair.

Napangisi ako. Hindi niya kasi sinuot iyong pantulog na binili ko para sa kanya. She wore my shirt and my boxer shorts and it made me think of how pretty she is lalo na sa mga ganitong moments. I sat beside her and put my arms around her waist. She looked at me.

"Bukas, aalis ako ha. Hindi muna kita masasamahan sa Papa mo. I just have to do something uhm... with the family." She charmingly smiled at me. Tumango naman ako matapos iyon ay nahiga na kaming dalawa.

Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Violet sa tabi ko. Maaga diyang umalis at nag-iwan na lang siya nang note para sa akin. She also texted me na magkasama na daw sila ni Red. Kahit paano ay napanatag na ako.

Nag-ayos na ako at nagpunta sa burol ni Ama. Naroon na muli ang lahat ng kapatid ko. Naroon na rin si Magnolia at si Rhodora. I already told Rhodora that I cannot and I will not marry her dahil kasal na ako kay Violet at isa pa, umurong na ako sa paligsahan.

I want a simple life with my wife. I want to travel the world with her by my side. I really think that we complement each other.

"VI." I heard Magnolia. She was wearing a very black dress with pearls around her neck. I was looking at her. Hindi ko siya pinansin pero umupo siya sa tabi ko. "I missed you. Just tell me, I will leave Maurice alone."

Tiningnan ko lang siya at saka tumayo palayo. Napansin kong dumating si Makisig at Maliksi. Sinenyasahan nila akong magpunta sa kanila pero bago iyon ay napansin kong umalis na rin si Magnolia. Galit na naman siya sa akin. Tinawag ko na rin si Henry para naman kaharap siya kapag nag-usap na. I have a feeling the found something.

Nagpunta kami sa VIP room at doon, inilatag sa akin ni Maliksi ang screen capture ng cctv ng isang hotel dito sa Metro. It was my father nd Magnolia with Rhodora leaving with the same car.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon