Challenge # 12

66.7K 3.1K 512
                                    

Two sides

Three weeks later...

"Hindi ko alam, okay?"

Nag-uusap kami ni Red habang pasakay ako sa kotse niya. I am back at home – really back at home. Hindi ako makaalis – kahit na gusto ko. Si Papay? Kahit naman paano ay may pinagbago sa pagsasama namin. He always asks me about my day kapag nakwento ko na, ngingiti siya tapos ay aalis na. Sabi nga ni Uncle Jude, baby steps daw. Wala namang kaso sa akin iyon. May tampo pa rin ako but at least we're both trying. Mamay seemed to be so pleased.

"Bakit hindi mo alam? Maghapon lang naman iyong klase mo sa M.A. mo. Anong oras kita susunduin?" Muling tanong ng kapatid ko. Padabog akong nagsuot ng seatbelt.

"Hayaann mo naman kaming mag-bonding ni Eli!" I told him. Tatlong lingo na akong nakakabalik pero ni isang beses hindi kami nagkaroon ng pagkakataon para magkausap kami or magbonding ng kaming dalawa lang. Mukha kasing may misyon si Red at ang misyon na iyon ay para bantayan ako.

I sighed again.

"Mag-bonding kayo pero kasama ako." Sabi niya sabay kindat. Ihahatid niya ako sa university nang araw na iyon. Pumapasok na ulit ako sa masteral class ko. Alam ko may pasok rin si Eli ngayon kaya magkikita kami. Nag-text ako sa kanya kanina na magkita kami sa cafeteria ng school. Tatakas ako kay Red mamaya, kung may talent man ako iyon ay ang pagtakas.

Dahil traffic sa EDSA ay inabot kami ng halos isang oras bago kami makarating sa Univeristy ko. I missed the place, ito kasi talaga ang sanctuary ko at hindi iyong bahay namin. Nauna akong bumaba kaysa kay Red. Akala ko lulubayan na niya ako pero napansin kong nakasunod na rin siya sa akin.

"Umuwi ka na!"

"Hindi ganyan ang utos ni Papay. You're stuck with me baby sister for the rest of the day until our father say so."

"I hate you!"

"And I love you more, Baby V."

"Stop calling me baby! Hindi na ako bata! Saka baka ma-bash ako! Fuck you!" Binelatan ko siya. Sasapakin ko sana si Red na naka-Red na polo shirt pero naisip ko iyong germs sa kanya nabago na lang bigla iyong isipan ko.

"Good morning, V." I looked back and saw Aurora standing before us. She looked so clean. Alam koi yon kaya walang abog na niyakap ko siya.

"I miss you, Oring!" I giggled. She smiled. Kumaway siya kay Red. Ngumisi naman si Red sa kanya.

"I overheard you two. Kakaalis lang ni Daddy. Hindi na daw siya bumaba kasi susunduin niya pa si Ate Sam sa bahay nila Kuya Bubut. I haven't seen you in a long while."

"Hay nako, tell me about it. Hindi nga ako nakaposas pero nakakulong naman ako." Inirapan ko ang kapatid ko.

"May pasok ka, Aurora... Saturday ngayon ha. May date?" Nanunudyo ang Kuya ko.

"Hindi." Tumawa siya. "May NSTP ngayon. I knew that I should've taken that last year pero wala eh, natamad kasi ako saka last year palagi kaming umaalis ni Daddy kapag Saturday."

"Saan nga ulit kayo nagpupunta?" I asked. Nagkibit-balikat si Aurora.

"Daddy's teaching me how to shoot."

Oh, right! Even Aurora knew. Ako lang talagang ang hindi nakakaalam.

"Marunong ka na ba? Marami akong time, Aurora, I can teach you how to shoot too."

I made a face.

"Not if Uncle Jude gets to shoot you first, Red. Umuwi ka na nga!"

"Heto na pala si Eli" Sabi ni Aurora. I looked back and saw him getting off his motorbike. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya. I feel so excited. Miss na miss ko na kasi siya. Hinalikan niya ako sa sentido tapos ay bumalik kami kina Aurora. Red was grinning like the naughty boy that he is. I made a face again.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon