Challenge # 19

60.1K 3.1K 455
                                    

Galit ka!

Violet's

So, sino ngayon ang panalo? Si Rigor ba o si Maurice? May mga sinasabi sila – in Italian pero hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na pinansin. Mas tumatak sa akin na ang nagligtas kay Rigor ay si Magnolia. Naisip kong baka nagkamali lang siya sa binuksan niyang cage kasi nga naman nalilito siya kasi baka may putik iyong mata niya or whatever.

Hindi ko na rin naman tinapos iyong ceremony. Umalis na ako kasi pakiramdam ko naninigas na iyong putik sa katawa ko. Baka mamaya maging taong paso ako. I walked home. Pero mukhang nagkamali ako sa desisyon ko kasi lalong tumigas iyong putik sa katawan ko medyo malayo pa naman ang lakaran. Napahinto na lang ako sa gilid ng daan at naupo sa maliliitn na batong nakahilera doon. I was thinking.

Thinking about cancer. When will it hit me? Ilang days kaya bago ako maging terminally ill? Makakausap ko pa ba si Mamay? Magkakaayos pa kaya kami ni Papay? Makakahingi pa ba ako ng tawad kay Eli dahil sinaktan ko siya?

Being away from him made me realize that I really didn't fell in love with him. Nakakahiya nga kasi nasaktan ko siya pero iyon ang totoo. Eli was my comfort zone, he made me feel loved and secured and safe and iyong thankfulness na naramdaman ko. Naipagkamali ko siya sa pag-ibig. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya iyon. Siyempre, aasa iyong tao na baka magkakaayos pa kami. Gusto ko naman iyon pero hanggang friends na lang siguro.

I sighed again.

Napansin kong may kulay itim na SUV ang huminto sa harapan ko. Bumukas ang pinto niyon. Medyo kumabog pa iyong dibdib ko but then, nadismaya talaga ako nang makita kong hindi si Rigor ang naroon kundi ang pinsan niyang si Maurice. Sinenyasan niya akon tumayo at sumakay sa kotse niya. Pinababa niy ang isa niyang tao para bigyan ako ng robe at abutan ako ng tubig. Hindi naman na ako magpapabebe, sumama na ako. Hindi ko na kayang maglakad. Wala pa namang dumadaang sasakyan doon.

I sat beside him. He was only looking at me.

"Sei fidanzato VI?"

Wala akong naintindihan sa sinabi ni Maurice. Sumimangot lang ako at saka nagpatuloy sa pag-inom ng tubig. Inulit niya ang tanong niya kaya napatitig ako nang maigi sa kanya.

"Gago yata ito. Kung ano-anong pinagsasasabi."

"I'm just asking you if you are VI's fiancé. Hindi naman kung ano-ano iyon."

I stared at him.

"Gago ka pala. Marunong ka naman palang managalog kung ano-ano pang sinasabi mo. Tang inang ito! Teka, pinay din ang nanay mo?"

"Hindi. My nanny is Pinay and she taught me to speak Filipino. As she said, it may come in handy one time and I guess she's right. This is that time. Are you his fiancé?"

"Bahala siya. Sabi niya lang iyon but clearly may iba siyang type. Ikaw hindi ka ba galit? Nagkamali siya ng cage na binuksan. Niyakap niya pa si VI. Dapat galit ka, dapat nagseselos ka."

"Oh, believe me, I am fucking jealous. I can kill VI right now, but I am thinking of ways to torture him and you crossed my path." He smiled naughtily. Hindi naman ako natakot. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Hindi naman talaga dapat matakot sa ganito. Mukha naman wala siyang kayang gawin.

I sighed again.

"Pero paano kung namali lang siya ng cage?"

"Oh believe me, hindi nagkamali si Magnolia. She really wanted to take Rigor. Maybe she's thinking of saying I do to him this time."

Hindi ko alam kung bakit biglang nanlamig ang buong katawan ko.

"They were married?"

"No, they were supposed to be married but then, on their wedding day, Magnolia ran away to be with me. I don't fucking know what the fuck is wrong with her. That was almost three years ago. Ano, bigla na lang niya akong itatapon because she thinks that I have no shot on this?"

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon