Challenge # 17

67.1K 3.3K 498
                                    

Damsel in stress

Violet's

"Isa pa..."

Pulampula iyong mukha ko habang nakatingin ako sa salamin. What happened shouldn't happened! Hindi iyon tama! Hindi naman kami magboyfriend o mag-asawa para gawin namin iyon but it happened and the fact na gusto ko pa nang isa ay hindi ko tlaga matanggap. Why would I want another one? Grabe! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakaulol talaga si Rigor. Mabuti na lang talaga at hindi natuloy ang isa pang iyon dahil kumatok si Antonino sa silid ko at sinabing hinahanap raw si Rigor ng Daddy niya. Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig kaya mabilis pa sa alas – kwatro na tumayo ako at nagtago sa bathroom. Lumabas lang ako doon mga half an hour pagkaalis na pagkaalis niya.

I sat on my bed, naked, thinking about what I did and I couldn't explain it to myself, na kahit ilang beses kong bigyan ng logic ang ginawa ko ay wala akong logical explanation na maibigay sa sarili ko. I feel so awkward. Hindi ko talaga maibigay sa sarili ko ang paliwanag na magpapakalma sa akin, hanggang sa nakatulugan ko na iyon and when I woke up, ang una kong napansin ay iyong may damit na ako. Hindi ko matandaan kung nagbihis ako but I have a feeling na si Rigor ang nagbihis sa akin.

Nahawakan na naman niya ako. Did he take advantage of me again?

I sighed. I suddenly missed my mom. Agad kong kinuha iyong phone ko. Mula noong umalis ako sa Pilipinas ay hindi ko na binuksan iyon. Lukicly, there's wifi here so I could connect and talk to her. On line naman si Mamay kaya nang tawagan ko siya sa Skype ay kaagad siyang sumagot.

Bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha. "Hi, anak. Nasaan ka ba? I miss you!"

I smiled. Naiiyak pa ako. "I miss you more, May. Kamusta ka na?"

"Heto, nandito ako ngayon sa pad ng Kuya Red mo. Wala siyang magagawa. Hindi siya makapag-uwi ng babae dito kasi dito na ako nakatira."

Pinagtakahan ko ang sinabing iyon ni Mamay. "Po? Nasaan po si Pay?"

"Nandoon sa bahay niya. Sila ng Kuya Red mo ang magkasama. Basta ako nandito lang ako."

"You left home?" I asked her. Biglang – bigla ako.

"Yes, anak. Kung ayaw kang hanapin ng Papay mo, hindi ako uuwi. Magtikisan kaming dalawa. Kaya kong mabuhay nang wala siya. Bahala siya sa buhay niya kahit pa mag-asawa siya ng bago wala akong pakialam."

"May!"

Biglang lumungkot ang mukha niya. "Siyempre joke lang iyon. Mahal ko ang Papay mo. Siya ang buhay ko pero iyong buhay na iyon nagkaroon ng sanga, at isa ka doon, Violet hangga't hindi ka umuuwi sa bahay, hangga't hindi inaayos ni Simoun Paul ang gusot ninyo, hindi ako uuwi. Anak kita, anak ka niya. Hindi ka ampon tulad ng iniisip mo. Mahal ka niya pero nagkakaroon na rin ako ng pagdududa. Hindi mo ako masisisi anak. Siguro nga, mas mahal kita kaysa kay Blue at Red dahil nakikita ko kung paano si Simoun sa'yo. Hindi koko na alam, Baby, pero kahit anong desisyon mo, nandito lang si Mamay para sa'yo..."

Nagtitigan kami ni Mamay sa screen. Iyak lang ako nang iyak habang nag-iisip nang kung anong sasabihin. Ilang beses ko na ba siyang pinaiyak at nasaktan? Pero heto siya at iniintindi pa rin ako. Ang swerte ko sa kanya.

"May..."

"Yes, anak?"

"Did you have sex with Papay before or after you got married?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ng Mamay ko pero hindi ko na mababawi ang sinabi ko.

"At bakit mo naman tinatanong yan, aber?!"

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon