Challenge # 07

71.4K 3.2K 628
                                    



Walang choice

Violet's

I was awakened by that irritating sunlight on my eyes. Nasisilaw na kasi ako kaya wala akong nagawa kundi ang ipikit lalo ang mga mata ko pero naalimpungatan na ako kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napansin kong may jacket nang nakabalot sa akin. I looked beside me pero wala naman roon si Rigor. I don't know where he is. Pero hindi naman iyon ang concern ko. Ang concern ko ay kung paano ako nakatulog nang walang ligo, walang tootbrush at hindi nagpapalit ng damit. Oh my god, I can just imagine the germs and the bacteria multiplying in my body! God baka talaga mamatay na ako!

Agad akong bumaba ng kotse. I saw Rigor, smoking on the side of the car. Nakatingin lang siya sa kung saan. Tila nag-iisip.

"Hoy." Tinawag ko siya. Itinapon niya iyong sigarilyo at saka tumingin sa akin. Lalapit siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "Nagyosi ka! Wag kang lalapit! You have so many germs!" I told him. Tumawa lang siya. Hindi naman siya sa akin lumapit. Pumasok siya sa kotse. Sumilip naman ako sa bintana.

"Sakay na. Babalik tayo sa talyer. Bubuksan natin iyon tapos aalis na tayo."

"Aalis tayo?" Wala sa loob na pumasok ulit ako sa loob ng kotse. "Saan naman tayo pupunta." But then I realized that I was actually asking him and I am feeling a bit of excited about it. Tang ina! Hindi naman ako dapat sumama sa kanya.

"Sa Cebu."

I looked at him again.

Is he reading my mind. I really want to go there because it's malayo from my Papay. But then, hindi ko naman siya ganoon kakilala so bakit naman ako sasama sa kanya. Pero pwede naman siguro na sabay lang kaming pupunta ng Cebu tapos maghihiwalay rin kami after pero hindi baka kung anong isipin niya.

"Ano naman ang gagawin sa Cebu?"

He looked at me.

"I realized that you were right. I want to live my life without regrets so I am going to do this."

Napangiti ako tapos ay sinuntok ko siya sa balikat. Napatawa siya but then I realized na hinawakan ko iyong bared skin niya nang hindi siya nagsa-sanitize.

"Eww! So pawis! Yuck! Alam mo ba nakakamatay ang mga germs?"

"Mas nakakamatay iyong masyadong malinis."

Pinasibad na niya ang kotse at saka nag-drive na kami pabalik ng Taytay. Kinakabahan ako kasi baka mamaya naroon na sila Papay pero alam kong maiisip nila Red na wala na ako dahil alam nilang ayoko talagang magpakita. Magkapatid kami ni Red, pareho kami ng utak. Kahit naman hindi ako masyadong mahal ng Papay ko, alam kong iisa pa rin kami ng pinanggalingan. Maiisip niyang wala na ako sa Taytay.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami. Nagpa-drop off ako sa bahay ako. Si Rigor naman ay sinabi sa aking magbaon ako ng damit dahil aalis nga kami papuntang Cebu. Makailang beses kong sinabing hindi naman ako sasama sa kanya kaya hindi niya ako dapat inuutusan.

"Hindi pwedeng hindi ka sasama sa akin. Ikaw ang prinsesa. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka."

Napatawa ako. Saan niya ba napagkukuha ang mga kalokohang iyon. Sira ulo talaga. Naligo muna ako at nagbihis. Pinag-iisipan ko kung sasama ako sa kanya. Siguro sa Cebu pwede akong magsimula ng sarili kong buhay. Malayo na iyon dito at kapag nalaman nilang wala na ako at nagpakalayo-layo na, maybe Papay will get the message – that I don't want to be a part of this.

Lumabas na ako ng apartment. Magpapaalam ako ng maayos kay Manang Saina ngayong araw. Magpapasalamat ako sa lahat ng naitulong niya sa akin at ibabalik ko na ang susi. I need to leave this place. Ayoko na dito. Madali na akong mahahanap.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon