Challenge # 10

70.1K 3.1K 974
                                    

And we will never be ROYALS...

And we will never be ROYALS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Rigor's

"Pero anak, hindi mo pwedeng ipagpaliban ang pagpunta mo sa Italya. Pwede naman sigurong sumunod na lasi si Violet sa'yo."

Bahagya kong minasahe ang sentido ko. My mother was on the other line and we were talking about my flight to Italy and yet I couldn't decide yet because I was fucking serious when I told everyone that I'll be taking Violet with me. I wanna take her. Ayoko na rin naman kasi na apti mapapangasawa ay si Ama pa ang pipili para sa akin. We have this tradition – na kapag next in line – our father will be the one to decide who we will marry and I don't want father to choose for me. I have made my choice and Violet's mine.

"I will talk to you again, Ina. Kailangan ko nang magpahinga. Isa pa, kakausapin ko din si Ama." I said, I love you, and then I hang up. Nakaupo lang ako sa kama. I was checked in a hotel. Bukas dapat ang flight ko paputang Italy and I really want to take Violet with me pero hindi ko naman siya pwedeng isama nang ay naiwan siyang issue sa kanyang pamilya. I want her to make peace with her parents. She did the same for me kahit na para bang hindi niya alam so I am doing the same for her.

"Rigor..." Napatayo ako nang pumasok sa silid ang nag-iisang bodyguard slash driver ko. Si Makisig. Tinanguan ko siya. He's one of my father's trusted men and he's one of my friends too.

"Ano, inom tayo?" Nakangising tanong ko. Kanina ko pa kasi gustong uminom. I need to sleep tonight para bukas maayos ang pakiramdam ko.

"Nah, The Marquess won't like it if we drink tonight. May flight ka bukas."

"Hindi ko pa siya nakakausap, I won't be flying tomorrow."

"You will be. Anyway, your subject is moving."

Kumunot ang noo ko. Ipinakita niya sa akin ang sceen ng Ipad niya at doon nakita kong gumagalaw nga ang subject na iyon na itago na lang natin sa pangalang Mari Violet Azul. Why is she moving? Ibinalik ko siya sa pamilya niya para magka-oras siyang makipag-usap sa mga ito tapos ngayon, aalis na naman siya?

"We have to move too." Sabi ko. Agad siyang lumabas ng silid ko para kunin ang susi ng kotse. Lumabas na rin ako. I was just looking at the screen and I am trying to figure out where she'll go. Mali siguro na ibinigay ko sa kanya ang phone ko na may tracking device. My father gave it to me before we left Cebu. He wanted to know where the fuck I am na hindi niya ako binabother, but now, I am so bothered. Why the hell will she leave?

Sumakay kami ni Makisig ng kotse. He drove fast. I, on the other hand is stressing myself with the fact that Violet left.

"What's wrong now, baby?" I asked myself na para bang kaharap ko lang siya. Hindi naman siya aalis kung hindi sana nagka-problema. I was just shaking my head. Finally huminto iyong green light na nasa screen. I clicked to get the location. Nasa isang residential building siya sa Taguig. Ipinakita ko iyon kay Makisig. Iyon na ang tinahak naming daan. Twenty – minutes later, I am already walking inside the premises of that residential building. Ayon sa tracking system, nasa seventh floor si Violet at iyon nga ang pinuntahan ko.

FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon