Chapter 19: She's a Gooseberry

12.2K 116 20
                                    


ROSIE'S POV

Maaga akong nagising at pumasok ng trabaho. Nag-iwan lang ako ng notes sa ref tsaka pera magamit nila.


Pagdating ko, busy lahat ng tao halos di mo na makakausap sila. Pati yung mga feelingera kong officemate naghahabulan este nagpabalik-balik sa upuan nila.



E di akong si walang alam nagtaka kung ano ang nangyayari. Pagkalapag ko ng bag, nilapitan ko agad si Che na abalang may kausap sa telepono.


"Yes, sir... I'll give the sales updates this afternoon... Sir? Now?... But?... Okay sir, I'll find ways to pass it early... Thank you, sir. Goodbye!" tas padabog niyang binaba ang telepono.


"Sino daw yun?"


"Ay tokwa! Ba't ka ba nanggugulat?"



"Aba malay ko!"


"Heh! Kanina ka pa ba dyan?" sabi niya hawak-hawak ang kaliwang dibdib.


"Di naman masyado... Teka, ano bang nangyayari dito at sobrang busy nila ngayon?"


"Hindi mo alam?"


"Malamang magtatanong ba ako kung alam ko. Common sense fret!" sarkastik kong sabi.



Inirapan niya ako bago nagsalita.


"Well, may dadating daw which is partner ng kompanya."


O_o


"Partner? As in twin tower? Ganun?"



#PAK!#


"Boba ka! Partner as in tao! Pero di daw yung may-ari ang pupunta kundi ang anak niya." pagpapaliwanag niya.


Hindi ko masyadong inintindi ang sinasabi dahil busy ako sa paghimas... ng batok ko. LOL



"Okay" yun na lang nasabi ko.



"Anong okay? Kailangan mo na ring ipasa yung pinagawa sayo ngayon. Tatlong linggo ka kasing nawala kaya yan ang napala mo."


Yun nga. Dahil absent ako, binigyan ako ng assignment which is about competitive intelligence. What does it mean? Well, kumukuha ako ng impormasyon sa ibang kompanyang katulad namin yung business.


"Matatapos ko na. Nag-OT pa ako para lang mapasa yun ngayon. Tsaka..." naalala ko bigla yung nangyari kagabi.


Tiningnan ko yung table na 'ginamit' namin. Maayos naman ito pero yun nga halatang may mantsa pag tinitigan mo ng mabuti.



Tumayo ako at kumuha ng tissue.



"San ka pupunta?" di ko sinagot at naglakad papunta dun.


Patago ko itong pinahiran.


"What are you doing?"



Nabitawan ko bigla yung hawak kong tissue nang may nagsalita sa likod ko.



Pagtingin ko, isang napakagwapong lalaki ang bumungad sa kagandahan ko. Ansave?


"U-Um... Kyle..."


"I told you to call me babe when we're talking." seryoso niyang sabi. Tiningnan niya yung nahulog.


Pasalamat lang ako at walang nakapansin saming dalawang nag-uusap.


"Uh, babe. It's nothing. I-I'm just checking if my ballpen went h-here." sabay pulot nung papel.



"A ballpen? But I thought you were cleaning something mess on the table. And I'm guessing what it is..." nakangiti niyang tugon.

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon