Chapter 35: Meeting a Family?

4.6K 29 5
                                    


Napapangiti si Rosie sa tuwing may nadadaanan siyang mga taong tumitingin sa kanila. Syempre, isang napaka-gwapo at napaka-kisig lang naman ang katabi niya habang magkahawak-kamay silang naglalakad ni Kyle.

Parehong ang lapad ng ngiti ng dalawa habang tinatahak ang daan papunta sa isa sa dinarayong adventure spots ng Cebu---ang Zipline.

Iniisip siguro ng mga tao kung gaano kaswerte ang dalawa sa isa't-isa. Kahit papano, naging kilala na rin sa lugar si Kyle dahil palagi naman itong napapadayo kasama ang isa pang taong kaibigan nito-- si Troy James Montes.

Ang step-brother niya.

"You might want to back out at this very moment, babe." pagpapaalala ng binata kay Rosie.

Nang papalapit na sila sa lugar, saka lang siya nakaramdam ng kaba. Gagawin ba talaga nila 'to? Makakaya kaya niyang wag matakot? Isa pa, nagdadalang-tao siya at siguradong pwedeng maapektuhan ang sinapupunan niya.

"But I want to do this, babe." malungkot na sabi ng dalaga.

Napabuntong-hininga na lang ang binata at iginiya siya papasok ng lugar.

"But you know that you're not the only one taking the risk, do you? You and our child." ngumiti ito sa mga taong nakilala na niya. Agad itong bumaling sa direksyon ng dalaga para tingnan ang reaksyon niya.

"I want to go." mahina nitong sagot. Iniisip nito ang maaaring mangyari sa kanya habang nasa kalaunan ng zipline, paano kung hinimatay siya? Pano kung malaglag ang dinadala niya? Kailangan pa naman ng precised security for their safety. At siguradong sobrang higpit ng pagkakakabit ng bagay na magsusuporta sa kanila bago pa gawin ang zipline.

Oo, nga naman Rosie! Bruha ka, mapapahamak pa tuloy yung dinadala mo sigurado. Isipin mo yung baby, at ang mararamdaman ni Kyle kung gagawin mo 'to. Pati isipan niya'y kinokontra siya sa gagawin niya.

Seryosong nakatingin lang ang binata sa kanya. Gusto nitong mabasa ang iniisip niya.

"Babe?" hinihintay nito ang sagot niya.

Andun na sila sa lugar ngayon pa ba sila aayaw? Saka di naman siguro makakaapekto yung gagawin nila. It's just fifteen minutes at tapos na!

Nagdadalawang-isip na nagpalinga-linga ang dalaga sa lugar. May ibang nakatingin sa kanila, yung iba kinukunan pa sila ng litrato habang may ibang nakatingin lang talaga.

"Babe, you surely continue this? Tell me." niyakap ng binata ang beywang nito. "I'm just worried about whatever happens to you."

"I know I know but it's just," litong-lito na siya kung gagawin ba talaga niya ito. Pero isa lang ang sinisigurado niya, "I won't. Ayokong may mangyari sa anak ko."

"So, you're not-?"

"Yes! I won't do it anymore. Maybe I can do something here without taking any risk."

"Seriously? But maybe we can do something on that." kumalas si Kyle at kinuha ang kamay ng dalaga.

"No, it's okay. If you like, you can do it alone. I'll just stay here until you come back."

"No way, babe! I won't leave you."

"I know, but I'm not that selfish to deprive you of your likes. Well, just enjoy it for me."

She leaned over and planted a kiss to him. May ibang napasinghap at kinilig sa nasaksihan.

"Good luck." pagdi-dismiss sa kanya ni Rosie.

"But-?"

"Babe!" pabirong tiningnan ng dalaga ito ng masama.

"Okay okay! I'll go now and enjoy it without you, babe!" natawa na lang siya sa sinabi nito.

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon