Chapter 24: He Saved Me

9.3K 94 42
                                    

ROSIE'S POV

Ang bango. Parang nasa langit lang ako habang inaamoy ang mabangong bagay o kung ano man yun.

Ang gaan ng pakiramdam ko. Napakatiwasay. Tahimik at animo'y huni lang ng ibong ang maririnig mo. Nakapikit lang ako.

Pinapakiramdaman ang bawat galaw kung saan man ako ngayon.

Pero bigla akong nanigas nang may dumamping mainit na hangin sa mukha ko. Di pa rin ako gumising.

Unti-unti kong naramdaman ang pananakit ng paa ko. Teka, ano bang nangyari?

Naalala ko bigla. Nung makita ko siya sinampal ko. Nagsimula na akong umiyak. Tas tumakbo ako palabas ng bahay. Takbo lang ako nang takbo hanggang wala na akong maalala. Yun lang.

Pero bakit parang ang lambot ng likod ko. Nasa langit na ba ako pagkatapos nun? Kinuha na ba ako ni Lord dahil alam niyang nasaktan ako?

O___O

Pano ang pamilya ko? Si mama? May sakit pa naman yun. Sino na lang ang mag-aalaga sa kanya. Yung mga kapatid ko. Kailangan ko pa silang alagaan dahil wala na si papa.

Si Che at si Jhong. Di man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila. Mahal ko yung mga yun eh kahit palagi kaming nag-aasaran sa trabaho.

At si Kyle. Pano na lang siya? Alam kong magagalit o di kaya'y iiyak yun dahil sakin. Baka sisihin pa niya ang sarili niya sa nangyari.

Boink! Napapraning na tuloy ako. Parang sure na akong patay eh! Pero ano ba talaga ang nangyari? Parang di ko mamulat ang mata ko sa sarap ng hinihigaan ko ngayon. Amoy ko pa naman yung mabangong bagay. Mukhang pagkain pa naman.

Nanigas ulit ako. Bigla kasing may huminga malapit sa bibig ko. Sino ba 'to at parang ang lapit niya?

Baka naman hayop 'to pagkatapos akong tulungan eh kakainin na nila ako ngayon?

O_O

Jusko po! Pauwiin niyo na ako samin. Tulungan niyo po ako.

Naramdaman kong may humawak sa mukha ko. Ang soft ng kamay niya. Di siguro 'to gumagawa ng gawaing bahay. (_ _ ")

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Ako --> O__O

Siya --> O/////O

Nagkatitigan kami sandali. Hanggang nag-sink in sakin ang posisyon namin. Nakahiga ako habang siya naka-lean sakin at inches away lang ang layo ng mga mukha naming dalawa.

"Uh..." bigla siyang namula.

"WAAAAAAAAH!!!" sigaw ako nang sigaw.

Siya naman nakatakip lang sa tenga niya.

"Wag kang sumigaw!"

"AAAAAAH!!! SINO KA? BA'T KA ANDITO? ANONG GAGAWIN MO SAKIN HA?" diretso kong sabi.

Napapikit siya habang nakatakip pa rin sa tenga.

"Ba't ba sumisigaw ka ha? Ang lapit lang natin sa isa't-isa!" inis niyang tugon.

"WAAAAAAH! YUN NGA EH ANG LAPIT NATIN? PINAGNANASAAN MO BA AKO HA? GAGAHASAIN, PAPATAYIN TAS ITATAPON SA ILOG? TAPOS---O/////O???"

"Ang ingay mo..." natigilan ako.

Di ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong hinalikan.

O.M.G! Hinalikan niya ako! Hinalikan. Niya. AKO!

#PAAAK!#

Sinampal ko siya. Bigla siyang napahawak sa pisngi niya.

"Bastos ka! Ba't mo yun ginawa ha? Sino ka para halikan ako? Ang kapal ng mukha mo!" galit kong sabi.

Intimate ObsessionWhere stories live. Discover now