Chapter 13: Caught by Scene

13.7K 133 18
                                    

ROSIE'S POV

Nagulat ako nang bigla niya akong binabaan.

Alam kong magagalit siya pag sinabi ko yung totoo. Dapat kasama ko ngayon si Che pero nag-text siya na di siya makakapunta dahhl may emergency daw. Kaya ayun, binigay niya na lang kay Jhong yung tickets tas kami na lang yung manonood.

"Sino yun?" tanong niya.

Palabas na kami ng Blue Magic para pumunta ng sinehan.

"Wala yun." nilagay ko na lang sa bulsa yung phone ko.

"Anong wala? Ba't ka naman niya sinisigawan?"

"Hindi ko rin alam. Wag mo na lang intindihin. Tara, malapit ng magsimula yung movie!"

Nauna na akong maglakad sa kanya.

"Rosie, may kaaway ka ba? Sabihin mo sakin at reresbakan ko!"

Napaatras ako nang hinigit niya ang braso ko palapit sa kanya.

"T-Teka, ano ba?"

"May problema ka ba ngayon? Sabihin mo baka matulungan kita!"

Oo, ang laki ng problema ko ngayon. Saan ako makakahanap ng pera para pampagamot kay mama? Paano matatapos tong kahibangan na pinasok ko?

Arggh! Ayoko na! Napapagod na ako.

"Wala." yun lang nasabi ko.

"Are you sure? Alam kong meron. Please, just tell me." bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Di ko napigilang umiyak sa harap niya.

"Ang hirap, Jhong... Sobrang sakit. Akala ko maayos na lahat yun pala hindi."

Mas humigpit ang pagyakap niya sakin.

"Tahan na. Wag mong sarilihin ang problema. Nandito lang ako lagi. Tutulungan kita."

Sana nga.

Naglakad na kami papuntang sinehan. Tinuloy pa rin namin kahit wala ako sa mood manood.

Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nakatingin kami sa screen.

Hindi ako mapakali dahil naririndi ako sa babaeng  nasa likod ko.

"Hmm... Kiss me. Oh, that's it... I want you... Hmm... You're really good, baby... Just one... Slowly... Hmm..."

Grabe, ang lakas ng boses niya.

"Let's go outside." bulong ko kay Jhong.

"Anong sabi mo?"

"Labas na tayo! Ayoko na dito!" nilapit ko yung mukha ko sa tenga niya.

"Bakit?"

"Nakakabanas yung babae sa likod. Ang ingay!" irita kong sabi.

Bigla siyang natawa tas lumingon sa likod. Humarap siya sakin at nilapit ang mukha niya.

"Are you jealous?"

Nabigla ako sa tanong. Seriously? Anong pakialam ko sa kanila? Di ko naman sila kilala.

"What? Why should I?"

"Because it's our boss."

"What? What do you mean boss?"

Ngumiti siya at tumingin sa gilid.

"We only have one boss. And that is...

Mr. Steven Kyle Cullens. Remember?"

O_O

Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

Napatingin ako sa likod ko at nakitang nakatingin siya sakin.

Hindi ko alam kung namumukhaan niya ako dahil sa madilim sa loob at nasa harapan niya ako.

Tumayo ako at tiningnan yung babae.

"Hey! You're blocking my view!" sigaw niya.

Tapunan kita ng monoblock baka tumahimik ka dyan!

Hinigit ko si Jhong para umalis na. Pero bago yun, tumingin muna ako kay Kyle at nakitang nagulat siya nang makita niya ako.

"R-Rosie...?"

Tumakbo ako palabas dahil sa nakita ko.

Fvck.

I thought he's better than others yun pala pareho lang siya.

Mga walang hiya!

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon