Chapter 1: Downfall Celebration

29.2K 287 50
                                    


ROSIE'S POV

Lalala~

Masaya ako ngayon dahil kaarawan ng pinakamamahal kong ama.

Kasama ang dalawa kong kapatid, namamalengke kami para sa ihahanda namin mamaya.

"Ate, anong lulutuin mo?" tanong ng nakababata kong kapatid na si Richard.

"Siguro adobong manok na lang at pansit." sabi ko habang namimili ng manok.

"Walang cake? Ice cream o kaya'y ibang dessert?" pagrereklamo ni Riezl. Pangalawa sa aming tatlo.

"Maliit lang yung pera ko ngayon. Sa susunod na araw pa yung sweldo ko." sabi ko.

"Ano ka ba ate Riezl. Ok lang naman yan. Kahit papano may maihahanda tayo sa birthday ni papa." sabi naman ni bunso.

"Whatever! Diyan na nga kayo. Dun lang ako sa labas. Ang baho-baho dito." sabi ni Riezl.

Sa aming tatlo, siya lang ang pinakamaarte at laging nagrereklamo sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam kung saan siya nagmana. Hindi naman ganun ang magulang namin.

Pagkatapos naming mamili, umuwi agad kami at nagsimulang maghanda.

Maaga pa kaya hindi pa nakakauwi sina mama at papa.

Hinanda na namin ang lahat ng gagamitin.

"Riezl, pakihugasan naman yung kaldero." sabi ko habang pinuputol ang manok.

"Eh, ikaw na lang ate. Ang dumi kaya nun!" sabi niya habang yung mukha niya ay nandidiri.

"Dalian mo na ate para matapos na tayo. Ikaw lang walang ginagawa diyan." sabi naman ni bunso.

Sa kanilang dalawa, mas nakakasundo ko si bunso dahil madali siyang makaintindi at mas mature mag-isip kaysa kay Riezl.

"Hmp. Basta mas marami yung ulam sa akin mamaya."

"Oo na." sabi ko.

Pagkatapos kong magluto, nagpahinga muna kami para makaligo mamaya.

Malapit ng dumating sina papa nang magdesisyon kaming mag-ayos. Pinauna ko muna silang dalawang maligo at hinanda ko na ang hapagkainan.

Narinig kong bumukas yung pintuan. Pagtingin ko, si mama pala.

"Ma, nasan si papa?" nagmano ako tinulungang dalhin ang gamit niya. Nagtatrabaho bilang guro si mama habang si papa naman ay bodyguard sa isang bangko.

"Hindi pa ba umuuwi?" tanong niya nang makaupo na siya sa sala.

"Hindi pa po." tumabi ako sa kanya.

"Hindi man lang ako nakapaghanda sa birthday ng papa nyo." malungkot niyang sabi.

"Ok lang po ma. Naghanda naman po kami para mamaya." sabi ko habang hinihimas ang likod niya.

"Salamat anak. Pasensya na kayo kung palagi kaming wala dito."

"Ok lang po yun." ngumiti ako sa kanya.

"Nasaan pala yung dalawa mong kapatid?"

"Naghahanda na po para mamaya. Sige ma, mag-aayos na rin ako."

Tumayo na ako at pumunta ng kwarto. Nagmadali na akong maligo. Pagkatapos ay naghanap ng magandang pwedeng susuotin. Bago lumabas, kinuha ko ang regalo para kay papa.

Binili ko 'to last month pa. Pinag-ipunan ko talaga 'to dahil alam kong gustong-gusto 'to ni papa.

Huminga ako ng malalim at lumabas bitbit ang regalo.

Pagdating ko ng sala, masaya silang nagkukwentuhan. Pero yun nga, wala pa yung magce-celebrate. Haay.

Nilagay ko lang sa likod ng TV yung regalo at nakisali sa kanila.

Malapit ng maghapunan pero di pa rin dumarating si papa.  Kinakabahan na ako. Baka kung ano na nangyari sa kanya. bUsually umuuwi siya bago mag-6 pero past 7 wala pa rin siya.

Tinry kong tawagan ang cellphone niya pero walang sumasagot.

"Ma, ba't wala pa si papa?" tanong ni Riezl.

Mas close siya kay papa kaysa samin dahil lagi siyang pinagbibigyan sa mga kagustuhan niya.

"Hindi ko alam anak. Wala naman siyang sinabing mag-oovertime siya ngayon." sagot ni mama.

Alam kong pati sila ay kinakabahan na rin.

"Tinawagan mo na ba, anak?" tanong niya.

"Opo. Pero walang sumasagot." sagot ko.

Napagdesisyunan naming kumain na lang kaysa maghintay.

Hindi pa kami natatapos sa pagkain nang biglang may gumagambala sa labas.

"Tao po! Mrs. Dominguez! Nandyan po ba kayo?" sigaw nung lalaki.

Huminto kami sa pagkain at lumabas para tingnan kung sino ang tumatawag kay mama.

"Sino po sila?" tanong ni mama.

"Kayo po ba si Mrs. Dominguez?"

"Opo. Bakit ho?"

"Wag po sana kayong magulat sa sasabihin namin." sabi nung isang lalaki.

Sa tingin ko mga pulis sila dahil sa uniform na suot-suot.

"A-Ano po yun?" kinakabahang tanong ni mama.

"Nagkaroon po ng barilan kanina sa bangkong pinagtatrabahuan ng asawa nyo."

Kinabahan ako sa balita nila. Hindi. Hindi pwedeng mangyari yun. Ayokong marinig ang susunod na sasabihin nila.

"May nanloob po sa bangko at nagkabarilan. Aksidenteng nabaril yung asawa niyo. Dead on arrival po siya. Nasa *** hospital po ang katawan niya ngayon."

Nagsimula ng umiyak ang dalawa kong kapatid. Habang si mama ay tulala at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya.

Gusto kong umiyak ng malakas dahil sa nabalitaan ko pero iniisip ko muna ang pamilya ko. Alam kong masakit samin ang nangyari pero kailangan kong magpakatatag bilang panganay.

"Condolence po sa nangyari misis."

"Salamat po, Sir." sabi ko dahil hindi na sumasagot si mama.

Naghanap agad ako ng sasakyan at dumiretso kami ng ospital. Pumunta agad kami sa sinabing room ng pinaglagyan ng katawan ni papa.

O_O,

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako habang niyayakap ang mga kapatid ko. Nandun si mama sa tabi ni papa habang pinagmamasdan ang kalagayan nito.

Pakiramdam ko ngayon, gusto kong pumatay ng tao dahil sa nangyari. Gusto kong mahanap ang gumawa nito.

Pinalinis na namin ang katawan ni papa bago inuwi.

Nalaman agad ng mga katrabaho ni mama at papa ang nangyari kaya dumating sila. Pati mga kaibigan at katrabaho ko ay nandun din sa lamay.

"Condolence, Rosie." sabi ni Jhong. Kababata at katrabaho ko.

"Salamat." tipid kong sagot.

Sa loob ng ilang araw hanggang mailibing si papa, hindi ako nagpakita ng kahinaan sa harap nila. Ayokong makita nila akong nahihirapan at nasasaktan. Oo, masakit dahil ama ko ang nawala. Mahirap dahil hindi na namin ulit siya makikita. Sa mismong kaarawan pa niya siya binawian ng buhay.

Mula nung araw na yun, pinangako ko sa sarili kong magiging mas matatag ako para sa pamilya ko. Hindi pa dun natatapos ang buhay namin, kaya kailangan naming magsikap para sa sarili namin ngayon.

Intimate ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon