Chapter 6: Thank you saan?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ate Cass! I missed you! Nakauwi ka na pala sa Pinas hindi mo agad kami nasabihan," sabay yakap ko sa kanya na sinundan naman nila Ayu, Sab at Yannie.

Si Ate Cass ang girlfriend ni Manager Ry.

"I missed you too, girls," ngiti niya sa amin. "So anong bago? Kamusta naman tong si Ry noong nawala ako?"

"Nako, Ate Cass, ang daming chicks nyang si manager. Araw-araw iba-iba ang babae niyan. Tsk tsk," iiling iling na sagot ni Ayu. Nanlaki naman ang mata ni Manager nang marinig 'yun.

"Hoy! Hoy! Anong kasinungalingan yan, Ayu?! Magtigil nga kayo at baka mapaniwala niyo 'tong si Cass. Good boy kaya ako," sabay akbay niya kay Ate Cass.

"Whatever, Manager," tawa sa kanya ni Yannie. "Anyway, we have to go. Baka abutan pa namin ang mga asungot."

"Asungot? Sinong asungot?" Naguguluhang tanong ni Ate Cass. "Hey, did something happened while I'm away?" Napakamot naman ng ulo si manager ng bigla siyang tingnan ni Ate Cass.

"Well... kasi... ano –"

"Kasi may pinasok siyang new boy band kaya we're forced to share our Tuesday and Thursday sched with them," sagot na ni Yannie para kay Manager.

Nanglaki naman ang mata ni Ate Cass at pinalo ng mahina ang balikat niya, "Whaaat?! Grabe ka naman, Ry! Bakit mo naman – "

"I was force to let them in. Hindi ko sila naririnig tumugtog to be honest pero naniniwala akong magagaling din sila."

"Forced?! Nako, Manager, magtigil ka. Sabi mo you want more female customers kaya mo sila ipapasok," kontra ko sa sinasabi niya. Totoo naman kasi. Ayon ang reason na binigay niya sa amin.

"Pero – "

"Nako, Manager, huwag ka na lang magsalita. Magpalalusot ka lang," tawa ni Sab sa kanya. Mukhang api na si Manager sa amin.

Hindi naman namin napigilan ang matawa dahil sa reaksyon ni Manager. Parang constipated na hindi mo maintindihan.

"Ate Cass, pakibugbog na lang yan para samin," asar ko kay manager na sinakyan naman ni Ate Cass. "Sige na. Mauna na talaga kami. Bahala na kayo dalawang magsweethearts dyan. Baka maabutan at makita ko pa pagmumukha ng mga asungot na 'yun." sabi ko ulit sa kanila na tinawanan lang nila.

"Mukhang nagkakasiyahan ata kayo dito, ha!" Masayang sabi ng bagong dating.

Napalingon kami sa nagsalita at hindi ko napigilan ang mapairap. 'Yung mukhang chickboy lang pala. Xander daw name sabi ni Ashley. Epal.

"Speaking of the devil," pagpaparinig ni Yannie.

"Ha? May sinasabi ka Yannie sweetie?"

"Meron. Hindi mo narinig? Well, sorry. Wala na akong balak ulitin pa para sa 'yo. And pwede ba... don't call me Sweetie. Nakakakilabot."

Mukhang nagulat si Xander sa inasta ni Yannie. Hindi ko naman siya masisisi. Pagkatapos ba naman nila masanay na makita kaming tinatanggap lang ang mga pangbwibwisit nila paniguradong magugulat sila ngayon na lalaban na kami.

"Oh! Nandito pa kayo? Ano ba yan, nakita na naman kita, leaving. Sira na naman gabi ko." Biglang sulpot naman ni Josh kasama nu'ng isang matalino raw sa kanila. Kenneth ata if I'm not mistaken.

"Pumikit ka para di mo ko makita. Laki ng problema. Saka paalis na rin kami 'wag kang mag-alala. And don't you ever call me Sab. Feeling close ka rin, ano?" Tulad ng reaksyon ni Xander ay ganoon din ang naging reaksyon ni Josh.

"Bakit aalis agad kayo eh kakarating lang namin." For the first time, kung hindi ako nagkakamali, ay nagsalita na itong Kenneth daw ang pangalan.

"Kaya nga aalis na kami kasi nandito na kayo. Masisira lang gabi namin. Akala ko ba matalino ka? Use your brain naman," sagot sa kanya ni Ayu.

Hindi ko nagawang tingnan ang naging reaksyon ni Kenneth nang biglang sumigaw si Ate Cass at tinuro ang bagong dating. 'Yung suplado na harsh magsalita. Magkakilala sila?

"Hoy! Bakit nandito ka?!"

"Tutugtog kaya kami ngayon," bored na sagot ni Ice.

"Ha? Edi ikaw 'yung – " turo ni Ate Cass kay Manager.

"Oo, Cass. Sila nga. Kaya hindi na ko nakatanggi. Alam mo na siguro kung bakit?" buntong hininga ni Manager.

Tumawa naman ng tumawa si Ate Cass. Pumapalakpak pa siya at minsan ay napapatalon. Parang teen talaga kung umasta 'tong si Ate Cass. Ito namang si Manager sinabayan pa siya. Bagay nga sila.

Pero teka nga. Ano ba ang pinagtatawanan nila? May nakakatawa ba? OP na ata kami dito. Mukhang itong mag jowa lang ang nagkakaintindihan. Hinihintay namin silang tumigil pero wala ata silang balak. Napailing na lang ako at hahayaan na sana sila at uuwi na nang marinig kong sinigawan sila ni Ice.

"Tumigil nga kayong dalawa. Hindi na kayo nahiya. Para kayong mga bata! Patalon patalon pa. Nakakahiya kayo."

Kaya lang ay parang walang narinig ang dalawa at nagpatuloy lang. Nagkibit balikat na lang kami. Bahala na silang magpakaisip-bata. Basta lalabas na kami.

Pero bago 'yun... nang matapat ako sa gilid ng apat na leaders ng boys ay binigyan ko sila ng pekeng ngiti.

"Pustahan pala na hindi kami tatagal ng one week, ha? Mukhang mahihina? Tsk tsk. Next time kasi sisiguraduhin niyo muna ang mga sinasabi niyo. Baka kasi mamaya mapahiya lang kayo."

And with that, we decided to leave. Kaya lang...

"Zoe! Yannie! Sab! Ayu!"

Hay buhay! Ayon na eh. Dramatic exit na kami tapos bigla kaming tatawagin ni Ate Cass. Nasira ang moment.

"Huwag muna kayo umuwi. Panuorin niyo muna tong apat na tumugtog."

"Ay sorry, ate. Never. Ayaw naming marinig 'yang mga 'yan. Lalo na 'yang bakulaw na Josh na 'yan," sabay irap ni Sab kay Josh.

"Aww. Sayang naman na hindi niyo sila mapapanuod," she pouted. Isip bata talaga si Ate Cass minsan.

Pero... kilala pala talaga niya 'yung apat? Paano kaya nangyari 'yun?

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon