Chapter 57: Saying goodbye

397 19 54
                                    

Hi mga fre! Matagal tagal akong mawala sa watty dahil ako’y magbabakasyon sa binitagan. Hahaha. Kala niyo imbento ko lang yun no? Pinsan ko kasi talaga si Michael, Erick, toto at elviz.Sayang nga lang at wala akong jonel sa buhay ko. Haysszxc. So anyways, baka next week pa ang balik ko. Wala kasing signal sa binitagan. Sadnu? Pero maganda dun. Nandun yung fem ko. Hahahaha. Chos. Moved on. So anyway ulit, musta naman ang makabernard dyan? Balita ko makajonel na ngayon ah? Hays. Ako lang ba ang may tiwala sa pagmamahalang Ericka at Bernard dito? So ayun nga, matagal akong mawawala. Mahaba tong ud na to. As in.  De, mahaba dapat to kaso hinati ko na lang sa dalawang part. Mamayang gabi na lang ulit yung isa pa kasi nga, wala lang. XD

Habaan niyo comment niyo! Ha? Puhhhlease? Dyismeh. Sobrang hirap mag update pag di laptop gamit. Kapikon. Huuu. Sya, ingay ko na. Ito na ang update. Mahal na mahal ko kayo mga fre! – Lay, ang pinakamagandang author  sa balat ng mundo. Palag palag na. Hahahaha. G3.

__________________

Pagkababang pagkababa ko ng phone, sakto namang nagring yung phone na nakalinya sa head office. Halos walang pumansin sa nurse na sumagot sa tawag. Lahat kami nakatuon kay fey yung pansin. Naiinggit ako kay kuya lance. Bakit sya may kayang gawin? Sya halos buong buhay niya na, nakatuon kay fey. Nakatuon sa pagpapagaling sa kanya.

Samantalang ako, hanggang tingin lang.

Si mikko mula noon, lagi na lang sya yung nagliligtas kay fey. Lagi na lang sya yung nauuna samantalang ako, ako pa yung laging dahilan kung bat sya nasasaktan noon.  Tapos ngayon si kuya lance ginagawa lahat ng pwede niyang gawin mapahaba lang yung buhay ni fey…

Eh ako?

Hanggang tingin na lang ba ko lagi?

Sobrang hirap lang na tumingin at manood habang yung pinakamamahal mong tao, hirap na hirap na. Parang gusto kong mawala na lang ng parang bula. Parang gusto ko na lang mamatay.

“May donor na si Ms. Villafuente.”

Pakiramdam ko nabunutan ako nang napakalaking tinik sa dibdib nung marinig ko yung sinabi nung nurse. Para kong tanga na nakangiti habang umiiyak.. Konti na lang fey, konting tiis na lang..

Nagsimula na ring magbigay ng utos si kuya lance at nagmadali ang mga taong ilipat si fey sa operating room. Gustong gusto kong sumunod kina kuya pero bago pa man ako makasunod, hinawakan na ko ni kuya sa balikat.

“Binigyan mo ng pag asa si Ericka…”

Pakiramdam ko pagkahawak sakin ni kuya lalong nanlambot yung tuhod ko at napaupo na lang ako. Nakatakip yung kamay ko sa mukha ko habang iyak ako ng iyak. Sobrang sakit lang at pakiramdam ko dinudurog ako dahil narinig ko na naman yung sinabi ni dad.. “Leave her if you want her to live.”

Ito na yun.. Ito na yung senyales na kailangan ko nang bumitaw.

“Please… please kuya… ikaw nang bahala…”

Umalis na rin si kuya at iniwan ako sa kwarto. Binilin niya sakin na wag akong lalabas hanggang hindi tapos ang operasyon. Nanatili ako sa kwarto, nakakulong at walang kaalam alam sa nangyayari at pwedeng mangyari.

I wanted to follow them. I wanted to look at fey kahit isang beses na lang. Gusto kong mas kabisaduhin pa yung mukha niya pero hanggang dito na lang ako. Hanggang dito na lang kami. Kahit ano pang gawin ko, kahit ano pang laban ko… hanggang dito na lang kami.

Pakiramdam ko mamimilipit na ko sa sakit na nararamdaman ko. It feels like I am being twisted to death at wala na kong ibang magawa kundi damhin lang yun. Kung pwede ko lang kunin yung pampamanhid kay kuya lance kanina ko pa ginawa. Kanina ko pa sana tinurok yun sa katawan ko just to feel the pain away pero hindi naman pwede yun..

Till Death Do us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon