Chapter 3: Teen Clash?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uhh, girls, okay lang kung lumabas at magpunta muna kayo sa ladies room, " sabi ng teacher namin.

"Po?"

"You may go to the ladies room."

"But – " Kinalabit ako ng isang babae dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"May stain kayo. Talaga bang sabay sabay kayo nagkakaron?" tanong niya pa.

"No. Kakatapos ko lang," bulong ko sa kanya.

"Maybe prank yan. I suggest, tingnan niyo ang chairs nyo."

Bumalik kami sa lugar namin at ngayon lang namin napansin na may red paint pala doon. Napatingin naman ako sa gilid ko. Natingin sa amin 'yung mukang supladong nakaheadset kanina at biglang ngumisi.

I knew it! They did this! At teka lang. Pamilyar ang mukha ng ngumisi na 'yun ha. Nakita ko na ata siya. Saan ba?

Ah! Alam ko na! Naaalala ko na. Siya 'yung kagabi. 'Yung may ari ng wallet na napulot ko na hindi man lang nagpasalamat. Napakasama talaga ng ugali.

Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room. Nagpunta kaming apat sa C.R. para burahin yung paint.


"Bakit ba naman kasi nagkapaint sa upuan natin?! Grabe na talaga!" Inis na inis na si Sab.

"Oo nga. First day natin tapos nagkandaleche-leche na. Hindi pa man din nangangalahati 'yung araw." Maski si Ayu na pinakamahaba ang pasensya ay naiinis na.

"Tingin ko talaga someone did that. Parang sinadya talaga." Nilagay pa ni Yannie ang kamay sa baba niya na para bang nag-iisip ng sobrang lalim.

"Oo nga. At saka alam niyo feeling ko may something sa school na to."

"Anong something?"

"Ayon nga ang di ko alam. We need to figure that out. Pero parang about sa students."

"Oo nga. Kanina ko pa napapansin na laging hiwalay ang boys sa girls. At saka parang hindi nagpapansinan ang mga babae at lalaki. Isa nga lang ang nakita kong nag-usap na different gender kanina. Parang patago pa. Syempre bukod doon sa apat na lalaki na ginugulo tayo," dagdag naman ni Ayu.

"Oo nga, ano. Ngayon ko lang din napansin. Bakit kaya?" Kinamot pa ni Sab gilid ng noo niya.

"Bakit nga kaya? Pero teka nga. Uy, Zoe. Tahimik ka ata. That's new," kalabit sa akin ni Yannie.

Napabuntong hininga naman ako at tiningnan sila, "I think kilala ko kung sino ang naglagay ng red paint."

"Sino?!" sabay sabay na sigaw nila kaya napahawak ako sa tenga ko.

"Ssh. Sakit sa tenga ha. Pero kasi ganito 'yun... kanina bago tayo lumabas, bigla akong nginisian ng lalaking may headset. Pakiradam ko sila ang pasimuno."

"Oo nga, ano! Bakit hindi ko naisip 'yan? Sino pa nga ba ang gagawa nu'n? Paniguradong 'yung maaangas lang na 'yun. Ano ba kasi ang atraso natin sa kanila para gawin nila sa atin 'to?"

Natigil kami sa pag-uusap nang may pumasok sa C.R. Dirediretsyo lang siya. Natahimik kaming apat dahil mahirap na kapag may nakarinig ng pinag-uusapan namin. Hindi pa kami sigurado kung ano ang meron sa school na 'to.

Nang makalabas na ang babae sa cubicle ay naghugas siya ng kamay kung saan kami nakatayo. Tiningnan niya kami sa salamin at saka nginitian.

Sa tingin ko dapat na kaming magtanong kung ano ang meron sa eskwelahan na 'to. Parang maloloka na ako sa sobrang pagkacurious. Kaya lumapit ako sa babae para magtanong pero bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"Kayo ang transferees sa 4A, 'di ba?" tanong niya.

"Paano mo nalaman?" balik na tanong ko sa kanya.

"Kalat kasi sa buong campus kapag nagkakaroon ng transferees na babae. Bihira kasi 'yan dito."

"Bakit naman?" Lapit ni Yannie sa amin.

"Huh? Hindi niyo alam Ah, teka. Hindi kayo taga dito, ano?"

"Bagong lipat lang kami."

"Oh. I see. Kaya pala nag-enroll kayo dito kasi hindi niyo alam kung ano meron sa school na 'to."

"Bakit, ano bang meron dito?" pagsingit na rin ni Ayu.

"Teen clash," ngiti niya sa amin. "I'll go ahead. May klase pa kasi ako baka sabihin ng teacher ko na-flush na ako sa inidoro. Sige, bye."

Nang makaalis na siya ay nagkatinginan na naman kaming apat.

Teen clash? What the hell is that?

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon