MY FIRST

19.5K 396 148
                                    


Ang lamig!!

GRRRRRRRRRRR..................

Nanginginig na ang buong katawan ko sa lamig ng aircon dito sa buS. On the way na ko sa university na pinapasukan ko. Umuulan ng malakas tapos sobrang lakas pa ng aircon dito.

Wala naman akong jacket kasi, in the first place hindi ako mahilig mag suot nun, sa init ba naman dito sa Pinas diba? pag aaksayahan ko pa ba ng budget ang jacket.


Halos lahat ng pasahero naka jacket, dahil na din siguro malakas ang ulan.


"Hoo- hoo" hinihingahan ko ang dalawang kamay ko saka ko nilalagay sa muka ko.

bawas lamig din kahit papano . >.<


Ang malas pa kasi traffic. Baka pag baba ko dito nag yeyelo na ko.

>.<


napatingin ako sa lalaking katabi ko. Mukang kaage ko rin sya. Hinuhubad nya kasi ang varsity jacket nya. Nainitan sya? Sobrang lamig kaya.

Iniwas ko na ang tingin ko kasi baka mahalata nya ko.

"Isuot mo muna Ate, nanginginig ka na eh" tinapat nya sakin ang hawak nyang jacket. Tumingin ako sa kanya at nakatingin rin sya sakin.

Ang gwapo nya! Shet! laglag panga!~ pero syempre hindi ko pinahalata ang pagka-amazed ko sa kagwapuhan nya.

Maputi, mas makinis pa ang muka kesa sakin, matangos ang ilong, walang dark circles sa ilalim ng mata nya at ang pink ng labi nya.

Grabe! Artista ba tong kaharap ko?? Kung babae to siguradong mas, este sobrang ganda nya kesa sakin!!


Dahil hindi ako nakareact agad sa sinabi nya, pinatong nya sakin ang jacket nya at sinara yung aircon sa tapat namin. Naamoy ko tuloy lalo sya! Shemay naman.

Ang bango~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Much better? nilalamig ka pa ba?" sabi nya after nyang isara yung aircon sa tapat namin.

"h-ha? aah.. Oo .." sheeezz. ano ba to? nautal pa. tumango sya at nagsalita ulit.


"Isuot mo na. Ibalik mo na lang pag nagkita tayo ulit."


Tapos nag cross arms sya, sumandal at pumikit.


Mas lalo ko tuloy syang tinitigan.


Sinuot ko yung jacket nya, amoy na amoy din yung pabango nya sa jacket nya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi amuyin.. >.<

Nalaman ko na same school pala kame dahil sa uniform nya.  Dumating na yung bus kung saan ako dapat baba, pero tulog yata sya.

"Excuse me.. kuya? Sa **** university ka rin diba? Kailangan na natin bumaba."

Pero nakapikit pa rin sya.

"Manong sandali lang po! Bababa po ako!" Muntik na kasi umandar ulit yung bus e.

Tinapik ko sya, kaya nagising. Tumingin sya sa may bintana at agad din namang tumayo kaya sumunod na ko sa kanya.

Dire-diretso lang sya, wala na ring ulan kaya hindi na kailangan magpayong.


"Kuya! Teka. Isasauli ko na tong jacket mo!" Unti unti kong hinuhubad yung jacket nya habang naglalakad ako. 

Tumigil sya sa paglakad kaya naabutan ko sya at naibalik ko ang jacket nya.


"Thank you ah.. Czarinah nga pala" inabot ko ang kamay ko para makipag shake hands. Kinuha naman nya at nag smile sya.

*u*

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon