Birthday Gift

4.9K 71 13
                                    



"Ano kayang ireregalo ko kay Jeng?"  Malapit na ang birthday nya pero wala pa rin akong maisip kung ano bang magandang iregalo... Ayoko kasi ng basta lang eh. Gusto ko kakaiba. Parang sya, hindi basta lang... kakaiba.  ♥


Kakaiba sya in a way na... Sa dami kong nakilalang babae, naging kaibigan, nakasama... (friendly ako, wag kung ano anong iniisip nyo dyan) sya lang yung nagpaiba ang ritmo ng tibok ng puso ko. Sya lang yung nagpaniwala sakin na meron talagang forever. Dati kasi hindi naman ako naniniwala na may forever eh. Oo na, bitter na ko. Ako na ang bitter! 

Nagmahal ako ng sobra sobra noon. Binigay ko lahat ng kaya kong ibigay; time, effort, care and love pero iniwan nya pa rin ako.

Iniwan ako ng hamster ko. :'(

Akala ko kapag inalagaan ko sya ng husto at minahal na parang girlfriend ko, hindi na nya ko iiwan at hindi na sya mawawala sakin. Pero wala eh, namatay sya kasi kinain sya ng pusa. Sad 'no? 

Kaya simula noon, hindi na ako naniniwala sa forever not until natutunan ko na syang mahalin. 


Tumingin ako sa paligid ko to check kung may nakakakita ba sakin; baka kasi isipin nilang nababaliw na ako kasi napapangiti ako mag isa dito sa pwesto ko.  Nasa opisina ako ngayon, naghihintay ng oras para makauwi na. 

Dahil wala akong maisip na ireregalo ko, nag ikot muna ako sa iba't ibang cubicle sa office namin at nagbabakasakali na may maisip akong idea.  


Napadaan ako sa may marketing department. Dalawa na lang sila doon at busy sa mga extra curricular activities nila. HAHA! (malapit na kasi mag uwian kaya wala na masyadong ginawa na office works) 

Napatingin ako sa ginagawa ni Ma'am R. 

"Ano bang trip mo?" Binasa ko yung tinayp nya sa note pad. Naupo ako sa tabi nya. 

"Ano yan Ma'am?" Tumingin sya sakin saglit pero agad rin nya binalik ang tingin sa monitor.

"Nagsusulat kayo ng  story?" Dagdag na tanong ko. Sabi nya, oo daw. Napag alaman ko na may mga pinopost pala sya sa wattpad site na mga love story. 

"Ma'am! Gawan nyo kami ni Jhe ng story!" Excited na request ko sa kanya. Alam ko na kung anong ireregalo sa birthday nya. hihihi 

Tumigil sya sa pagta-type tapos tumingin sakin. 

"Bakit kayo na ba?" Seryosong tanong nya. Nabasag ako doon ng very slight. 

"Hindi pa po... Nililigawan ko pa lang sya, Ma'am. Pero malay nyo, mas maraming magbasa ng story nyo dahil sa story namin ni Jhe. Tsaka para may madagdag kayong story sa account nyo. Sige na Ma'am. Magaling naman kayo eh, kayang kaya nyo po yun."  

"Hmmm. Sige nga.. Kwento mo sakin."  Nakangiti nyang sabi. Yes! Napapayag ko sya. hehe  


"Ganito kasi yan, Ma'am... Nung una ko syang nakita, nung bagong hire pa lang ako.. Hindi ko naman sya crush eh. Sa totoo lang, hindi ko naman sya napansin nun. Seenzoned ba. Ikaw nga yung una kong napansin eh. Ang ganda nyo kasi, hahaha. Oh ayan, Ma'am ah. Siguro naman may energy na kayo gawin yung story namin." Natawa sya sa sinabi ko. 


"Baliw! Hindi libre 'to no. May bayad to. Dali na, tapos ano na nangyari?"  


"Tapos ayun. Isang beses nasa pantry kami. Nag feeling close ako sa kanya kahit hindi naman kami close. Parang pakikisama ba, kasi bago ako. Tapos nag kataon na kaming dalawa lang dun sa pantry." Inalala ko yung unang epic conversation namin dalawa. 

One ShotsWhere stories live. Discover now