Akin ka lang! Umepal paslang!!

44.2K 701 123
                                    


Enjoy reading.  Vote & Comment! 


Share!


Akin ka lang, Umepal Paslang

by Rain Geremillo




"Woooow" Unconciously napawow ako habang pinapanuod ang ang dance crew ng school namin. Honestly sa isang tao lang ako nakatingin, hindi ko man sya kilala pero nakuha nya agad ang atensyon ko. 

"Ang astig talaga sumayaw ni Menchi" narinig kong sabi ni Kelly, classmate ko.

"Oo nga eh, baka tibo yan kaya ganyan ang galaw nya, tingnan mo oh, mas astig pa yung dating nya kesa sa mga lalake. Crush ko na tuloy sya! hahaha" nagbibiro ni Cassy, classmate ko rin.

"Sira! wag naman, sayang yung ganda nya, tsaka liligawan ko pa yan noh! wag ka nga!" 

"asus! ligawan daw, hahaha. muka mo!"

Welcome program ngayon sa school namin para sa mga freshman students, yearly daw tong ginagawa sabi nung teacher namin. 

Transfer student naman ako bilang Junior High,(3rd year) at ngayon ko lang napanuod ang dance crew ng school na pinasukan ko. At ngayon ko lang din nakita ang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Isang babae na galaw lalaki? Siguro sa pag sasayaw lang dahil hiphop yung genre ng performance nila. Ang astig nya, ewan ko ba . I'm not fan of dancing pero ngayon at nakikita ko sya parang gusto ko na rin matutong sumayaw at makapareha sya.

"Rafael!" 

"uy! rafael.... tawag ka ni Ms. Conde"

"Huy!" napalingon ako sa tumapik sa may balikat ko...

"tulala ka dyan? tawag ka ni Ms. COnde, pumunta ka daw sa backstage" sabi ni Peter.

"huh?? ahh.. sige"

Nagsimula na akong maglakad papunta sa backstage pero hindi ko pa rin iniaalis ang tingin ko dun sa babae. Ang ganda nya, ang galing nyang sumayaw at ang ganda ng katawan nya. Hindi sa kung ano ang iniisip ko ah.. Yung suot nya kasi, nakajacket sya pero yung damit nya nakataas bali kita yung kalahati ng tyan nya at kita yung abs nya. Seryoso. may abs sya. Cool.

Nakarating na ako sa backstage at agad naman akong nilapitan ni Ms. Conde, adviser namin 3-charity. 2nd section ako. 

"Rafael, ikaw na lang ang magbasa nito, wala kasi yung naka-assign na transter student na magbabasa nito eh"

"po? sige po.. walang problema" 

ewan ko kung ano yun, pero parang tungkol sa school at paglipat sa school na to. ang daming arte may ganun -ganun pa.. Tsk. wala naman akong magagawa kaya Oo na lang.

Naupo muna ako sa may sulok ng backstage habang naghihintay ng time ko para magbasa, pero maya-maya pa nakita ko yung babae, yung magaling sumayaw na papasok ng backstage, tapos na siguro yung sayaw nila. Pinagmasdan ko lang sya habang naglalakad, pawisan at mukang pagod. May biglang umakbay sa kanya na lalaking kasamahan nya sa dance crew at nag apir pa silang dalawa. Nainggit naman daw ako. Nagselos? whatever. basta may kakaiba akong naramdaman.

Hindi ko inalis yung tingin ko sa kanya, kumuha sya ng bimpo sa bag nya at nagpunas, lumapit na naman yung lalaki kanina at inabutan sya ng tubig. Teka, may namamagitan kaya sa kanilang dalawa? May boyfriend na sya??

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon