Happy New Year

15.5K 343 43
                                    

"Happy New Year Everyone! let's open our gifts na!! woooo!! "

"here we go again! favorite part ng lahat, and most especially ni Meg!"

"hahahahaha"

every new year, sama sama ang barkada nila Meg, mag celebrate. After ng putukan, nagkikita kita sila magbabarkada sa bahay nila meg, para buksan ang mga regalo nila sa isa't isa...

"wait up guys, hindi ko na talaga mapigilan magtanong, nahihiwagaan na talaga ako sa nangyayari... .. Im just wondering, every year, Meg has an extra gift, but i dont know who gave that to her... is anyone here giving her that gift ? " tanong ni Cindy

"Oo nga noh?? ngayon ko lang din napansin, Meg... who gave that one? "

"my personal santa claus"

"personal santa claus??? Duh? girl, sabihin mo na samin, kanino ba yan galing? boyfriend? "

"hahahaha, you'll know in time... basta"

" pa suspense pa teh, ichika mo na! now na! as in now na....! "

" grabe naman kayo, 5 years na tayong ganito. 5 years na akong nagbubukas ng regalo sa harap nyo, ngayon nyo lang napansin? akala ko alam nyo na."

"hindi ka kasi nagsasalita dyan, na may iba ka pa palang binubuksan. so now, napansin na, spill it na Meg. Make kwento na"

"Okay fine! spill kung spill"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Its been 5 years ....

"MERRY CHRISTMAS!!!! WOOHHH!! KAINAN NA!" sigaw ng nakababatang kapatid ni Meg. Kasama ng pamilya nila mag noche buena sila Ivan at ang Mommy nito.

Ivan is her friend.. close, best , ultimate friend. Since childhood, lagi na silang magkasama, dahil na din family friends sila.

"Kain ng madami Ivan ha" sabi ng mommy ni Meg

"yan pa ma, ang takaw takaw kaya nyan! hahahahaha"

masaya nilang sinalubong pasko, welcome na welcome sila Ivan sa pamilya ni Meg, pangalawang taon na din kasi nilang ginagawa ito. Kwentuhan, asaran at tawanan lang sila hanggang mapagod at dalawin ng antok.

Nagbigayan din sila ng regalo para sa isa't isa.

"Ivan oh.. Merry Christmas!"

"wow, ang laki nito ah... Thanks Meg!"

nag abang naman si Meg ng ibibigay ni Ivan sa kanya, pero wala. Hanggang sa magpaalam na sila Ivan at Mommy nito na uuwi na.

Hindi maiwasang malungkot at madisappoint ni Meg dahil ito ang unang pasko, na wala syang natanggap na regalo galing kay Ivan.

"ang sama nya.... ang sama nya talaga.... arrrhghh.. nakakainis. nakalimutan ba nya? haaay... " maluha luhang bulong ni Meg habang nakatayo sa may pinto ng bahay nila. Hinatid na kasi nila sa may gate ang mag ina.

"bye! Merry Christmas ulit!"

"ingat kayo, Merry Christmas! "

"Thank you po tita, Tito.. Michael babye, " ...... "Meg" ngumiti lang si Ivan at angwave ng kamay

sinimangutan lang sya ni Meg, pero nakangiti pa rin si Ivan sa kanya at hindi pinansin ang pagsimangot ng kaibigan.

3am na, pero hindi makatulog si Meg dahil pa rin sa inis at lungkot nya. Gusto nya sanang tawagan ni Ivan para itanong kung bakit wala syang regalo ngayon, pero pinigilan nya ang sarili nya.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon