Katahimikan

5.7K 107 11
                                    



"How to know if a girl likes you."

Bigla akong napa alt+tab dahil binasa ni Tephy ang binabasa ko sa google. Hindi ko naramdaman na may tao na pala sa likod ko.

"Uy Franc, ano yan ha? How to know if a girl likes you ka pa ah! hahahaha" She poke me on my waist kaya napaliyad ako. Nasa office pa ako, overtime pero pauwi na rin at naisipan mag search muna dahil mag isa na ako dito pero hindi ko alam na nadito pa rin pala sya.

Sya si Stephany, Tephy for short, kabatch ko sya dito sa opisina kaya sya ang pinaka kaclose ko dito.

"Sino ba ha? Baka alam ko kung may gusto sya sayo. hahahaha. You know, girl knows girl." Takte. Nakakahiya naman.

"Akala ko umuwi ka na." Pag iiba ko ng topic.

"Naiwan ko yung wallet ko eh, binalikan ko lang." Pinakita nya sakin ang wallet nya. in-off ko na ang PC ko at nagsimulang mag ayos ng gamit. Sana hindi na nya maalala yung topic kanina, madali kasing ma divert ang focus nya lalo na sa mga kwentuhan. Kailangan mo lang mag open ng panibagong topic tapos make-carried away na sya.

" Tara, sabay na tayo." tumayo na ako bitbit ang backpack ko. She agreed. Tamik kaming naglalakad papunta sa may elevator which is very unusual. Eto yata ang first time na tahimik kami pareho. Nakakapanibago. Nakakakaba.

"Alam mo Franc..." Napatingin ako sa kanya nang bigla syang magsalita. Nasa 22nd floor pa lang kami. 47th naman yung office namin.

"Ano?"

"Imbis na si google yung tanungin mo, bakit hindi na lang sya mismo? Yun malalaman mo agad yung sagot kesa manghula ka kung tama ba yung sinabi ni google sayo." Seryoso nyang sabi.

"Ano, tatanungin ko sya kung may gusto ba sya sakin? Hindi ba parang ang kapal naman yata ng mukha ko kapag ginawa ko yon? " Humalakhak sya dahil sa sinabi ko. Natawa na rin ako kahit na seryoso yung tanong ko. Nakakahawa kasi sya sa tuwing tumatawa sya ng malakas.

"May point ka naman." Sabi nya pero natatawa pa rin sya. Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang busy sya sa pagtawa nya.

Tumingin ako sa bandang taas para tingnan kung saang floor na kami.

11th floor.

Kumakalma na sya sa pagtawa nya. Pinupunasan nya ang luha nya sa mata gamit ang mga daliri nya. Ganyan kasi yan eh, mababaw ang luha. Bukod sa pag iyak dahil sa sakit o lungkot, naluluha rin sya kapag tumatawa, inaantok, natatakot, tsaka kapag kinikilig. Paano ko nalaman?

Isang beses kasi may pinapanuod sya sa office namin during break time tapos nakita ko na namumula yung mata nya at medyo naluluha sya.

"Umiiyak ka?" Nag aalalang tanong ko. Hindi ko pa alam noon na may pinapanuod pala sya. Lumingon sya sakin na nakangiti habang nagpupunas ng luha.

"Hindi, kinikilig kasi ako eh. kainis kasi tong pinapanuod ko grabe magpakilig." Sagot nya na parang baliw dahil todo ngiti sya pero namumula naman ang mata at ilong nya.

Nacutan ako sa kanya that time. Wala lang. Ang cute lang.

"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ni Tephy after nyang mahimasmasan.

"Ha?"

"Eh kasi gusto mong malaman kung may gusto sya sayo eh, may gusto ka ba sa kanya?"

Tumingin ulit ako kung nasaan floor na kami.

5th

"Meron. Matagal na." Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Dyahe.

"Ahhhh. Edi imbis na itanong mo kung may gusto sya sayo. Sabihin mo na lang na may gusto ka sa kanya." Ngumiti sa sakin. Para bang ine-encourage nya talaga akong umamim.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon