Count 1 to 10

21.3K 536 119
                                    



*****


Bakit ba nagbago sya?

Bakit ba bigla na lang na parang hindi nya ko kilala?

Bakit ang cold nya makitungo sakin pati na rin sa barkada?

Bakit ba kasi???????

May galit ba sya sakin? samin?

Tampo?

Hinanakit?

Ano ba?? 

Nasasaktan ako sa pinapakita sya, nasasaktan ako sa mga kinikilos nya, sa tuwing lalagpasan nya lang ako pagkakasalubong kami. Sa tuwing susubukan kong lumapit at kausapin sya, iiwasan nya ko? 

Bakit ba, may nagawa ba ko masama para magkaganyan sya?! 



+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


"Game!!!  maalis taya!" sigaw ni Bino.

 Nagkayayaan maglaro ng tagu-taguan, iba trip ng mga to eh. namiss daw nila bigla. Minsan na lang daw kasi kami magkaroon ng time para magbonding, mga busy buddy na kasi eh, buti na lang bakasyon na. 

"maalissssss.. taya!!!" sabay-sabay naming sambit. 

 para lang kaming mga sira, nakabilog kami sa gitna ng kalsada para lang mag ma-alis taya. =_="

pero nakakamiss! ^__^ sayang lang dahil kulang kami ngayon. 

"ahahahah!!! ikaw na naman Ayeshi !burot ka talaga kahit kailan, hanggang ngayon ba naman! hahaha" pang -aasar sakin ni kevin. 

"hahahahha!! " tawa pa sila. hay. pero carry lang yan. ^__^ namiss ko din naman maging taya. hahah...

"o dali na! dun ka sa may poste, talikod ka na. " sabi ni Lea at ni-lead pa ko papunta don. 

pare-pare na kaming college student, karamihan samin 2nd year college next school year tapos yung iba naman 3rd year. Grabe no? mga college na kami pero para kaming mga grade school na naglalaro ng tagu-taguan.. 

6 kaming magbabarkada, pero 5 lang kaming naglalaro ngayon. actually 5 na lang kaming madalas magkasama kung may time. ewan ko ba, hindi namin masyadong napagkikita si Kyle eh. Pagnachempuhan naman namin, laging pass, busy, inaantok, maaga pasok, basta ang dami nyang excuse. Hay, naiinis ako minsan, kasi hindi nya din ako masyadong pinapansin pag nakikita ko sya. Ouch yon! isa sya sa pinaka-close ko dati simula nung bata pa kami hanggang 3rd year high school, pero isang araw bigla na lang syang hindi nagparamdam sakin, samin. T_T na-miss ko tuloy si kylee .

"tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng sampu na ----" nagsimula na akong kumanta, pero napatigil ako at napaharap sa kanila. may tinawag kasi silang pangalan. 

"Kyle!" sigaw ni Simoun. lumingon ako kay Kyle na kabababa lang ng tricycle. nag-bayad sya tapos umalis na yung trycycle.  Tumango lang si Kyle sign ng pagbati nya. ganyan na sya simula nung hindi na sya masyadong sumasama samin. 

"Tara! sali ka, tagu-taguan" pag-aya ni Lea sa kanya, lumapit si Lea, Bino, at kevin kay kyle at naiwan kami ni simoun na medyo malayo sa kanila. 2 lang kaming babae ni Lea pero ok lang, masaya naman kasi silang kasama. 

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon