Chapter 67: All or Nothing

300K 5.8K 2K
                                    

Chapter 67: All or nothing

[Normal POV]

"ANO?!" Sabay sabay na sigaw ni Lexi, Fretzie at Monique.

Nasa bahay sila ngayon nila Ashley. Sobrang worried nila sakanya dahil sa nangyari kagabi tapos madadatnan nila si Ashley at Cyrus na magkasama.

"Naexplain ko na. Sana maintindihan niyo kung bakit namin ginagawa to." Sabi ni Ashley sa mga kaibigan. Naikwento niya na kung bakit umabot sa pagpapanggap ang lahat.

"Ashley naman! Bakit si Cyrus pa? Eh isa pang g*go yung bwisit na yun!" Sigaw ni Lexi. Naalala niya pa lang yung panlolokong ginawa ni Cyrus kay Ashley nagliliyab na yung ulo niya sa galit. Kailanman hindi niya to mapapatawad dahil sa ginawa nito sa kaibigan niya.

"Nagbago na siya. Tsaka ano bang kinakatakot niyo? Tutulungan niya lang ako, no feelings involved. Malinaw pa sa sikat ng araw yung usapan namin." Muling pagdepensa ni Ashley.

"No feelings involved? Ash alam nating lahat na may gusto sayo si Cyrus at alam ko ring may natitira ka pang feelings para sa kanya. Tandaan mo na cassanova yang si Cyrus. Madali lang para sa kanya ang magpaikot ng babae." Nagaalalang sabi ni Monique.

"Oo, alam kong may natitira pa kong feelings kay Cyrus pero hindi ibig sabihin nun hahayaan kong mainlove nanaman ako sakanya. Tama na yung isang pagkakataong sinayang niya.” Sagot ni Ashley.

"Isn't this too much Ashley? Naiintindihan ko yung nararamdaman mo kahit wala ako sa tabi mo kagabi. Ramdam ko kung gaano kasakit yung pagpapaasang ginawa sayo ni Gian pero yung magmomove on ka sa ganitong paraan? Ashley mali eh..." Sabi ni Fretzie.

"TAMA NA! Wala sa inyo ang nakakaintindi sa akin, sa nararamdaman ko ngayon! Kasi kung meron, may isa sa inyong magtatanggol sakin at magsasabing tama tong desisyon ko! Palibhasa kayo masasaya na sa mga lovelife niyo kaya ang lalakas ng loob niyong magsabi na itigil ko tong ginagawa ko! Kasi ano? Hindi naman kayo yung halos mabaliw sa kakaisip kung bakit kayo niloko at pinaasa ng taong mahal niyo diba? Simpleng bagay lang naman to pero hindi niyo ko masuportahan! Bakit? KINAKAMPIHAN NIYO NA SI GIAN?!!!"

Sobrang lakas at intense ng sigaw ni Ashley. Parang ngayon niya nabuhos lahat ng sama ng loob na kagabi pa niya pinipigilan. Para siyang isang bomba at sa maling mga tao siya sumabog.

Natahimik agad si Monique samantalang si Fretzie ay nagulat. Biglang nagsalita si Lexi...

"KINAKAMPIHAN SI GIAN?! ALAM MO BA KUNG GAANO NAINSULTO YUNG PAGKATAO KO NUNG SINABI MO YAN HA?! Ashley ang tagal na nating magkaibigan tapos pagdududahan mo kami ng ganito? Aba! Kami nga tong hindi mo maintindihan! Kinokontra ka namin kasi alam naming mali yang ginagawa mo,  na nagpapadala ka na masyado sa nararamdaman mo! Gusto lang namin ipaintindi sayo na walang maitutulong na maganda yang pagpapanggap na pinaplano niyo. Eh kung ganyan pala kasama yung tingin mo samin, osige! Ituloy niyo lang yan, diyan ka masaya. T*ngna! Hindi na kita papakialaman!"

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon