Chapter 12: Party I

134 7 0
                                    

Monica came at Wesly's newly opened studio. Hindi siya nakarating sa eksaktong oras na sinabi nito kaya hindi niya naabutan ang ribbon cutting at blessing ng pari. The studio opening was a photo exhibit. Naabutan niya si Wesly na nakikipag-usap sa isang grupo. She thought they're his friends kasi nagtatawanan pa ang mga ito. Hindi na muna niya ito nilapitan pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa mga larawang nakasabit sa dingding. Katulad niya'y may mga tao ring tumitingin sa mga larawang naroon.

                The subjects on his photos were of various kind. There were foods, landscapes, people, nature and even the simplest things which could rarely catch people's attention. She admired how a simple thing turned out to be beautiful in the photo. Pawang pinag-isipan ang pagkuha ng bawat larawan. Sa anggulo, pokus ng kamera at galaw ng kinukunan ay halatang pinaglaanan ng oras at panahon. Wala siyang hindi nakikitang pangit sa mga larawang nakita niya. Some of the photos looked familiar to her. Like she already saw them before but she just can't remember. Natuon ang pansin niya sa mga letrang nakalagay sa ibaba ng bawat larawan. 'W. Andrew' ang nakasulat.

                From admiration to amusement, that's what she felt. She can't hardly believe what she found out.

                "How long have you been here?"

                Lumingon siya agad sa taong nagsalita sa likod. Bahagya siyang nagulat ng mukha ni Wesly ang sumalubong sa kanyang tingin na muntik niyang ikasubsob. Napaatras pa siya ng konti ngunit nahawakan nito ang isang braso niya sanhi upang madikit ang dibdib niya dito.

                "Be careful baby. It's just me." He smiled.

                Napakaguwapo nito sa ngiting iyon. Samyo niya ang amoy nitong nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang kaibuturan. Agad siyang dumistansiya sa pagkakadikit niyang iyon. "I'm sorry."

                "Kanina ka pa ba?"

                "No. Just came about ten minutes ago." Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng pagkailang. "Congratulations!"

                "Thank you. I finally opened my own studio. Ang sarap ng pakiramdam."

                "Yeah! When I opened my first flower shop, sobrang saya ko rin. So are you gonna be spending most of your time here?"

                "Yes. No. Maybe. Maghahanap ako siguro ako ng hahalili sa akin sa tuwing wala ako." Tiningnan nito ang wrist watch. "My friends planned to hang out with me tonight to celebrate," he rolled his eyes,"..would you like to come?"

                Magsasalita na sana siya nang may babaeng nagsalita sa 'di kalayuan. "Wesly Andrew Hermosilla?"

                Kapwa sila napatingin dito.

                The girl was wearing a provocative dress which totally empasized her gifted boobs. She first thought they were not real. Agad itong lumapit kay Wesly at hinalikan sa kanang pisngi causing her lipstick to mark on his face.

                "Oh! I'm sorry I marked your face. Here." Maarteng wika nito at kinuha ang panyo sa loob ng bag pagkatapos ay ipinahid sa mukha ni Wesly. "You're still as handsome as before."

                "Long time no see Henrietta Galvez."

                "Oh! God. You know how I hated my name." She dropped a look at her. "I'm sorry. Was I interrupting something?"

                Nagsalita si Monica. "No you were not. We're just talking."

                "I'm Henny, Wesly's..." she paused and looked at him naughtily. "...could I tell her?" Bumalik ang tingin nito sa kanya. "Anyway, I was just joking. We're college friends."

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon