Chapter 15: A Beautiful Night

149 6 0
                                    

"A Comedy Bar? Seriously? We can go watch a movie or watch a firework display. We can go anywhere you like."

                "I promise, it's fun here. I have friends here."

                "Okay. Basta saglit lang hah at lalabas na tayo."

                "Can't promise. Let's get inside." She held his hand and headed through the entrance together. Ang daming tao sa loob. Kasalukuyang inaaliw ng dalawang bakla ang audience.

                "Madami ba talagang pumupuntang tao dito?" Bulong ni Wesly sa kanya.

                "Madami lalo na kapag biyernes at sabado. Maingay dito dahil sa mga hagikgikan ng mga tao." Ganti niya. "Is this your first time in this place?"

                "Yeah! But I don't have issues. Don't worry."

                "Monica? Ganda?"

                Napalingon siya taong tumawag. "Mama Vern."

                "Ang tagal mo ng hindi pumunta dito Ganda. At sino itong gwapong kasama mo?" Napatingin ito kay Wesly.

                "Si Wesly. Si Mama Vern, Manager ng bar."

                "Hi! Tawagin mo lang ang pangalan ko at isa dalawa tatlo, nasa harap mo na agad ako."

                Inabot ni Wesly ang kamay upang makamayan si Mama Vern.

                "Ang lambot ng kamay. Kayong dalawa, maupo kayo dito." Iginiya sila nito sa lamesa malapit sa counter. "Anong gusto niyong inumin?"

                "'Yung dati Mama." Tiningnan niya si Wesly. "Do you wanna order anything?"

                "A pilsen."

                "Promise. Mag-eenjoy ka dito." aniya.

                "I hope so."

                "Ngayon ay gusto ko ng volunteer na lalaki." Sigaw ng isang baklang entertainer sa microphone. "Gwapo. Matangkad. Malaki ang katawan. Sino ang gustong mag-volunteer? Maghahanap ako sa baba." Bumaba ang bakla mula sa stage at naghanap. Nakatingin ito sa bahagi kung saan naroon sila. "May nahanap na ako."

                "He's walking towards here." She whispered on his ear.

                "No no no."

                "Hi! Do you believe in love?" Parang namesmerize ang bakla sa pagtitig nito kay Wesly. "Ang gwapo mo naman. Sinong kasama mo?" Tanong nito at inilapit ang mikropono kay Wesly.

                "I'm with my.."

                "Hi Regine." Inagaw ni Monica ang pansin ng baklang kaharap ng binata.

                "Uy Ganda. Hindi kita napansin. Ikaw ba ang kasama niya?"

                She just nodded.

                "Ang gwapo ng kasama mo hah! Boyfriend?"

                "Workmate." She simply said.

                "Pwede ko ba siyang hiramin?"

                "No, you can't." He said.

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon