Chapter 6: The Bogus Agreement

188 9 0
                                    

Nakatanggap ng panauhin ang bahay ng mga Estrella linggo ng umaga. Abala ang ina ni Monica na si Cecilia sa kusina na naghahanda ng agahan. Kagagaling lang ng mga ito sa simbahan. Ang amang si Timoteo ang nagbukas ng pinto nang tumunog ang door bell.

                "Magandang umaga po." Bati ng panauhin.

                "Wesly, hijo, ang aga mo yatang dumito." Sabay yakap sa binata. "May usapan ba kayo ng anak ko. Natutulog pa yata siya. Teka lang hijo ipapagising ko."

                "No Tito. Babalik na lang siguro ako mamaya."

                "E kung ganun pumasok ka muna. Ipapakilala kita sa asawa ko."

                Kasalukuyang nagpiprito ng ham si Cecilia nang datnan nila ito sa kusina.

                "Mom may bisita tayo." Tawag ni Timoteo sa asawa.

                Lumingon si Cecilia at ngumiti. Tinawag nito ang isa sa mga katulong upang ituloy ang kanyang ginagawa.

                Hinubad ni Cecilia ang apron at naghugas ng kamay. Pagkatapos magpunas ay lumapit ito sa kinatatayuan ng dalawang lalaki. "Siya na ba ang sinasabi mo Dad na boyfriend ng anak natin?" Nakangiting tanong ni Cecilia sa asawa.

                Tiningnan nito ang mukha ni Wesly.

                "Kumusta po Tita. Ako po si Wesly." Magalang na bati Wesly.

                "So you're Ed and Martha's son. Now you're my daughter's boyfriend. And soon to be my son-in-law." She looked at his face with admiration. "You're such a beautiful man. You got your father's aura when you were young. But now you've got more of your mother's."

                "Thank you po." He simply said. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. "Ang ganda niyo rin po. Kaya pala maganda rin ang anak niyo."

                Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Cecilia. "So you're here to see my daughter?"

                "Yes but she's not yet awake so maybe I'll just come back later."

                "Hindi mo na lang ba siya hihintayin magising?"

                "Hindi na po siguro. Nakakahiya naman po." Tanggi ni Wesly.

                "No. I want you to join us for breakfast. Gigising na siguro iyon maya-maya lamang."

                Gusto sanang tumanggi ulit ni Wesly ngunit sadyang napakabait ng ginang at hindi niya matanggihan ang alok nito sa kanya.

                Sa isang antique na dining table sila kumain. Tahimik lang si Wesly na kumakain habang si Cecilia ay panay ang tanong tungkol sa kanya.

                "Hijo kailan niyo ba planong magpakasal ng anak ko?" Tanong ni Cecilia na hindi na kumakain dahil nakatuon ang pansin nito kay Wesly.

                "Mom naman. Hintayin muna nating matapos kumain nitong si Wesly." Sabad ni Timoteo sa asawa.

                Napangiti lang si Wesly habang umiinom ng orange juice.

                "Excited lang talaga akong malaman kung kailan. Pangarap ng anak nating makasal sa edad na 26. At gusto ko na ring magkaapo." anitong tila sabik na sabik sa pagkakaroon ng apo.

                "Magkakaroon rin tayo ng apo Mom. Hintayin lang natin." Si Timoteo sabay gagap sa kamay ng asawa.

                Nakikinig lamang si Wesly sa usapan ng mag-asawa. Mag-isang anak lang si Monica at halatang gusto ng mag-asawa magkaroon ng batang mapaglibangan.

Love At First Shot (Accidentally In Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon