Chapter 112 -- Ang Pamamanhikan

2.6K 69 6
                                    

SORRY FOR THE DELAYED UPDATE! Na busy lang talaga po ako kahapon!!

Chapter 112

Sarah's POV

Ngayon na ang araw ng pamamanhikan nina Gerald sa bahay , kaya hindi ako natulog sa condo. Dito ako sa bahay namin natulog , si Reed ayon mas pinili niyang sa Papa niya sumama , kaya hinayaan ko nalang magkikita din naman kami mamaya e , gabi pa daw sila makakapunta.

*knock - knock*

" PASOK " sigaw ko sa kumakatok sa kwarto ko

" HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAPPY BIRTHDAY POT " bati ng pamilya ko , ang dalawa kong ate , si Mommy't Daddy at si Gab , deja vu lang , noong wala pang pamilya ang mga ate ko , ganito kami dati

" Birthday ko? " di ko makapaniwalang sagot , dali-dali kong tiningnan yung phone ko at July 25 nga ngayon

" Ano ba naman yan ate .. tumatanda kana ata! " pang-aalaska sa akin ni Gab na dala-dala yung cake na bake siguro ng ate ko

" Mang-asar pa e! "

" Kaloka ka naman POt , nakalimutan mo yung birthday mo? " tanong ni Ate

Sasagot na sana ako ng sumingit si buntis ..

" Ang ibig sabihin niyan , excited lang siya sa pamamanhikan ni Gerald kaya nakalimutan niya " sabi nito

" ANak ang tanda-tanda mo na! " sabi ni Daddy

" Daddy naman e , ipa alala pa! " sabi ko sabay pout , cute pa naman ako e kahit nagpa pout

" Ohhh Ma bakit naiyak ka? " si ate Johna , kaya napatingin kami kay Mama , at naluluha nga siya

" Wala! " sabi niya sabay upo don sa higaan ko

" Asus si Mommy deny pa e " pang-aasar ni Gab , malaki na talaga ang impluwensya ni Ken dito , tahimik lang kasi ito e

" Hindi nga .. " deny pa ni Mommy

" Sige na My , sabihin na kasi .. sige ka di ka namin titigilan hangga't di ka umaamin! " pangungulit na naman ng buntis kong ate

" E kasi 30 na si Sarah! "

" Asus hindi yon My .. alam ko yan! Huwag mag deny .. masama yan! " si buntis ulit , iba talaga pag buntis no ang kulit

" O siya , siya naisip ko lang kasi yung interview ni Sarah dati ... " nag pause si Mommy kaya kami , nganga mode naman

" Datiiiiiiiiii? ..  " sabay naming tanong , si Daddy tahimik lang

" Diba dati sabi mo sana before 30 sana may pamilya kana! " sabi ni Mommy , tumango naman ako

" Nagka pamilya ka nga sa katauhan ni Reed "

" Oo nga noh! .. " sang-ayon ni Ate Johna

" Kaya nga sabi nila be careful what you wish for , you might get it " si ate Shine

" Pero hindi ko naman pinagsisihan ang wish na yon e .. " seryoso kong sabi " Kasi mas naging makulay ang buhay ko ng dumating si Reed , mas naging makabuluhan ang buhay ko , mas naging masikap ako kahit nasa malayo kami , mas marami akong natutunan ng dumating siya .. basta maraming bagay na dumating sa akin , hinarap! " mahaba kong sabi

" Awwww birthday na birthday , wala namang dramahan ohh! " si Daddy

" Oo nga naman! " si Gab

" Ito kasi si Divina e! " si Ate Shine , natawa naman kaming lahat sa inakto ni ate , baliw na talaga tong ate ko , buti nga di binatukan ni Mommy

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now