Chapter 38

7K 47 8
                                    

Chapter 38

 

 

 

 

Gerald’s POV

 

 

 

“ Welcome Back to Manila “ biglang sigaw ni Lance sa loob ng van , baliw na talaga tong pinsan ko

Nasa iisa kaming van ngayon , ako si Mama , si Ken , si Lance at sina Ate Shine , sina Ate Johna naman at si Cris nasa kabilang van kasama ang girlfriend ko at siyempre andon na din sina Mommy’t Daddy , o diba naki Mommy’t Daddy na din. Engage na kasi

“ Manahimik ka nga diyan .. ingay mo! “ saway ni Ate Shine sa asawa


“ What? Im just happy na nakabalik na tayo! “

“ Two days lang tayong nawala sa Pilipinas ganyan kana? “ tanong ko kay Lance

“ Oo nga .. para namang nawala sa Pilipinas ng ilang taon “ segunda naman ni Ken

“ Tseeee kayong dalawa mag tigil nga kayo .. Tita ohh! “ sumbong naman ni Lance kay Mama parang bata lang

“ Yuck Lance para kang bata! “ saway ulit ni Ate Shine kay Lance

“ Hehe .. ito naman umaarte lang e! “ sabi ni Lance kaya ayon natawa kaming lahat

“ Pero seryoso .. anong gagawin niyo ngayon Gerald? “ si Ate Shine

“ What do you mean? “

“ Ngayon na engage na kayo? Tapos andito na din kayo sa Pilipinas , makikita at makikita din yung ring na suot-suot ni Sarah ngayon! “

“ Pag-uusapan pa naming yun ate! “ diretso kong tanong

“ What? Paano pag nakita yun anak? .. Kanina nga diba dumating ang mga press mabuti nga at di tayo nakita! For sure nakita yung ring kanina .. alam mo naman ang press people “ mahabang ani ni Mama

“ Yun din naisip ko Tita “ sabi naman ni Ate Shine

“ For sure laman na naman ng balita yun bukas! “

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now