Chapter 103

3.8K 62 10
                                    

A/N : Ang saya magbasa ng mga hula niyu , haLos sakto may mga nagkaka rambol din yung huLa .. Hehe , waaaaaaaaaaaah ang hirap mag-isip kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na Chapters .. ayaw niyo pa kasing matapos to so lalagyan ko nalan ng kunting twist :D

Chapter 103

Sarah's POV

" Ohh kids dahan-dahan lang " paalala ko sa mga bata , nagsitakbohan na kasi ng makita ang Lola nila " Gab sundan niyo nga " utos ko kay Gab

Kakarating lang din namin kasi dito sa GenSan ..

" Love are you okay? " tanong ko kay Gerald kagabi pa to siya e parang wala sa sarili

Habang nag-uusap kaming dalawa parang wala siya sa sarili , yung tipong ang lalim ng iniisip kung tinatanong ko naman kung ano ang problema wa naman daw. Nababahala lang talaga ako sa kanya

" Of course Love " sabi niya at inakbayan niya ako , ngumiti siya pero hindi yung ngiting abot tenga

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumigaw na yung mga bata , bilisan daw namin. Halata pa nga sa mata ni Reed na excited siya , its his first time pa naman , tsaka ko nalang tatanongin si Gerald sa problema niya.After 30 minutes nakarating na din kami sa bahay nina Gerald , maraming pinagbago , mas lumaki pa yong bahay kesa noong huli kong punta dito.

" Pinalakihan niyo Tita? " tanong ko kay Tita Vangie

" Yup yun kasi ang gusto ni Gerald e , kaya ayon pinalikahan namin " sagot nito sa akin

" Wooooooooooooooooooow super duper big " ani ni Reed na nasa tabi ko lang , ang mga guys at ang mga yaya kasi busy sa pagdala ng gamit , totoo naman kasi , mas malaki pa sa bahay namin sa Charbel at sa bahay ni Gerald sa Manila

" Dont worry son mas malaki pa ang bahay natin doon sa Manila " sabi naman ni Gerald , na kakarating lang after niyang magbuhat , andito parin kasi kami sa garahe

" Hmmmm! " kumunot pa yung noo ko , pagtingin ko sa kanya

" Cool ka lang Love " sabi niya sa akin at inakbayan niya ako " Tara na sa loob , mainit dito ohh! " dagdag pa niya

May tumatakbo na naman sa utak ko , ano na naman ang plano ng lalaking ito , bawat sabihin pa naman ng isang to lahat ginagawa niya , at yung sinabi niya kay Reed alam kong may meaning yon. Kakausapin ko talaga siya mamaya tungkol don at tungkol don sa mood niya ngayon.

" Kuya daliiiiiiii punta tayo sa kwarto ko " si Akira

" Go ahead kids , pero dahan-dahan lang sa stairs ha ..  yung room ni Reed nasa tapat ng room mo! " paalala ni Tita kay Akira

" Okay po Lola " sagot naman ni Akira

Bago umalis humalik pa yung dalawa sa aming lahat , si Ken at Gab naman pumunta sa may pool area.

" May problema ba kayo ni Gerald hija? " biglang tanong ni Tita sa akin

" Po? Wala naman po! " sagot ko agad

" Parang wala ata sa mood si Gerald uh! "

" Pansin ko din po , actually kagabi pa .. yung pagdating niya ganyan na siya "

" Matanong ko nga yan mamaya , para kasing ang lalim ng iniisip niya "

" Tama po kayo Tita , gusto ko ngang itanong e pero parang iniiwasan niya "

" Ganyan kasi yan e .. pag may iniisip siya naliligo nalang siya "

Nagsi swimming kasi si Gerald ngayon , yung mga bata naman andon pa sa kwarto , naglalaro daw sabi ng mga yaya nila. Pag nalaman pa ng dalawa na naligo yung ama nila sa pool for sure sasali don yung dalawang yon.

Ready To Take A Chance AgainWhere stories live. Discover now